FRESHA MONTECARLO
"Mahal na mahal na mahal kita, Fresha." Pabulong niyang sabi sa akin habang nakatitig sa mga mata ko.Magsasalita pa lang sana ako pero agad niya akong siniil ng halik at niyakap ng napakahigpit. Kasabay noon ang pagguho ng mundo ko. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa.
"Pero mukhang hindi 'yon tunay na pagmamahal Gregory."
Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko pagkatapos kong sabihin iyon.
Masakit na katotohanan."I'm so sorry kung niloko kita, but please, maniwala ka sa akin ngayon. Kahit sa huling pagkakataon na ito na lang, na mahal kita. Na minahal na kita, kahit sa paraang alam kong hindi tama."
Mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko dahil sa mga binibitawan niyang salita.
"I want to fight for you, make you officially mine, love you eternally and unconditionally... but we both know that I can't."
Unti-unti nang lumulubay ang pagkakayakap niya sa akin.
"Gregory..." Mas lalong lumalakas ang hagulhol ko, mukha akong tangang umiiyak ngayon kahit na alam ko namang hindi na magbabago ang sitwasyon namin.
All I can do is to cry. I am full of heartache. I am a weak woman.
"I'm so sorry for fooling and playing with you around, Fresha. I love you."
At nag-umpisa na si Gregory na humakbang palayo. Gusto kong pagbayaran niya ang ginawa niya sa akin, pero dahil nabubulag ako ng pagmamahal ko sa kanya, I'll set him free.
When my father found out that the only son of Lopez' clan fooled his only daughter, he wants him dead. He wants to kill him, but since I love him, I pleaded Dad.
Mahigpit na magkalaban sa negosyo ang family namin at family nina Gregory. Pero ang nakakatawa sa lahat, ay ang pagtatagpo namin ni Gregory.
Hindi ko alam na si Gregory Lopez pala ay anak ni Regor Lopez na buhat noon pa lang ay kainitan na ng dugo ni Dad sa mga bagay-bagay magmula pa noon sa eskwela, hanggang sa negosyo at higit sa lahat, dahil sa babae, si Mom. Yes, my Mom, Livina Montecarlo. Siya ang pinag-agawan ng tatay ni Gregory at ng tatay ko.