Kung ako ang may ari ng mundo
Ibibigay ang lahat ng 'yong gusto
Araw-araw pasisikatin ang araw
Buwan-buwan pabibilugin ko ang buwan
Para sayo, para sayoooSusungkitin mga bituin para lang makahiling
Na sana'y maging akin, puso mo at damdamin
Kung pwede lang, kung kaya lang, kung akin ang mundo
Ang lahat ng ito'y iaalay ko sayoTahimik lang akong nakikinig ng kanta sa cellphone ko habang naka-earphone. Nag-aabang ako ng dito sa coffee shop para sa pagkikita namin ni Jeff.
Tutal wala pa naman akong klase ngayon. Naka-uniform nga ako para mamaya, didiretso na agad ako sa school. Tuloy-tuloy lang ang pakikinig ko ng isa sa mga paborito kong kanta, Kung Akin ang Mundo, ng makita ko si Jeff na papasok na ng coffee shop.
Parang hindi talaga maganda ang kalalabasan ng pag-uusap namin. I can sense it. Agad ko ding tinanggal ang pagkakasalpak ng earphone sa tainga ko at ngumiti sa kanya.
I tried my best to look beautiful today.
Yeah, I know ang gulo ko. Pero I think may problema. Alam kong may kakaiba, may bago sa kanya, sa amin.
Usually, pag hindi nya ako sinusundo pag may date kami, laging s'ya ang nauuna sa meeting place namin. Unlike now, he's already 30 minutes late but good thing hindi s'ya nagtext na may emergency na naman. At least this time, sinipot nya ako.
Tipid lang ang ngiting ibinigay nya sa akin at diretsong umupo sa katapat kong upuan.
Magsasalita na sana ako kaso sumenyas s'ya sa akin ng 'wait lang' at tumayo. Naglakad sya papunta sa counter at base sa nakikita ko, mukhang nag-oorder s'ya.
"I missed you Jeff." 'Yan agad ang mga salitang binitiwan ko pagkabalik na pagkabalik n'ya sa upuan.
Medyo hesitant s'yang ngumiti at medyo napangiwi ako sa sinagot n'ya.
"I— yeah. Namiss din kita Zahara."
Tinitigan ko s'ya sa mata at medyo yumuko s'ya na parang may hinahanap sa bulsa ng pants n'ya.
Totoo kayang dapat baguhin ko na ang way ng relasyon namin?
Masyado ka kasing conservative na babae ka eh! Kiss lang ipinagdadamot mo pa. Alam mo naman ang gusto nila diba? Lahat ng lalaki.
Hay, kung anu-ano na ang mga naiisip ko. Pati sarili ko inaaway ko.
"Kamusta ka na, babe?"
Napatingin naman ako ulit sa kanya at parang kakaiba 'yong pagkakasabi nya ng 'babe'. Hindi katulad ng dati.
So, totoo nga!
Woah. Parang ang sarap lang gayahin 'yong sumikat na line na—
'Pangit ba ako!? Kapalit-palit ba ako?'
Ang sarap sumigaw. Ang sarap isigaw sa pagmumukha n'ya na bakit naman ganito?
Kami pa, nakikipag-agawan na sya sa iba. So ano ako? Reserba? Pag ayaw sa kanya ng babaeng 'yon, okay lang, kasi may nag-aabang pa naman sa kanya?