[Ihanda n'yo po ang inyong mga puso. Please share Freyo and Zahara's love story to others! Salamat cuties. Labyah all ♥]
ZAHARA
Nagmadali ko nang kinuha ang purse ko nang magtext si Marisha na nasa tapat na siya ng apartment ko. Sabi n'ya kasi, sabay na kami. Mas okay naman yun sa akin kesa magtaxi pa ako.
Her jaw dropped when she saw me, oh yes! Hmm, mukhang magtatagumpay ang plano ko ngayon ah. Binilisan ko na ang pagtawid bago pa magbago ang isip ko, at para maisara ko na rin ang bibig niya.
"What's with you!?" tanong niya sa akin. As in gulat na gulat siya.
Natatawa tuloy ako.
"What?" inosenteng tanong ko rin sa kanya.
"Are you in a dare?" umiling lang ako sa tanong niya.
"The heck Marisha! Nakaraan lang parang pinipilit n'yo ako ngayon naman takang-taka ka!" pinitik ko pa ang noo niya. "Tara, alis na tayo. Alas otso na kaya."
Natatawa talaga ako sa loob-loob ko lang. Expected ko na naman ang magiging reaksyon niya eh. Bakit?
Naka-maong kasi ako na sexy shorts at nakasimpleng puting damit lang pero fitted iyon sa sexy kong katawan. O diba?Bakit nagtataka si Marisha? E kasi, di naman ako palasuot ng sexy shorts sa labas ng bahay. D'yah feel me?
"Para kang lumabas sa isang magazine sa kasexyhan at kagandahan beshie. Nakakatibo ka ngayon, sana lagi kang ganyan." siguro'y nasamid ako ngayon kung may iniinom ako, naalala ko kasi bigla si Freyo.
Omg! Natitibo na ako Marisha, kung alam mo lang.
"G-gaga ka! Magfocus ka na nga lang sa pagdadrive. Baka mamatay tayo ng di oras." sabi ko at kinuha ang phone ko.
Nairita naman agad ako nang makita ko ang text ni Jeff.
-You're so sexy, babe. Where are u goin?
So he's saying that he saw me? Fvck.
Kinilabutan ako bigla. Is he stalking me or he just accidentally saw me? Nah, baka nakita niya lang ako accidentally. Kasi may mga kaschoolmate siya na nakatira malapit sa tinitirhan ko.Nagtext siya ulit.
-I want to be with u always babe. Pls come back. Araw-araw kitang binabantayan.. Missing u so sooo much!
Adik ba siya? Oh my, baka gumagamit na ulit sila ng drugs ng mga kabarkada niya? Parang bigla namang sumakit ang ulo ko kakaisip.
"Beshie, you alright?" napatingin lang ako kay Isha.
"Hey beshie, I said, are you alright?" inulit niya at napatango na lang ako.
Sinabi kong nahilo lang ako dahil nagugutom na ako."Tamang-tama, kanina pa kaya tayo nandito. Preoccupied ka kasi! Sino ba yang katext mo?"
Umiling lang ako at nauna nang lumabas ng sasakyan. Lumabas na rin naman agad si Marisha.
"Si Jeff lang, nangungulit na naman. Hayaan mo na."
Ngumunot ang noo at nagsalubong ang kilay niya.
"Besh! Ano ba? Wag na wag ka na makikipag-usap at makikipagkita sa gagong yan ha! Kahit once niya lang ginawa iyon, pwede niyang gawin ulit." gigil na sabi niya.
