CHAPTER 7

3.9K 150 12
                                    


ZAHARA

Bwesit na bwesit akong naglalakad sa corridor. Nagulat talaga ako kung paanong nakapasok yong babaeng yon doon sa classroom namin.

May dala syang softdrinks na malamig at binuhos sa bandang balikat ko.
Alam mo yong feeling na hindi ka agad nakapagreact?

Ganun!

Bakit nandito sya?
Bakit hanggang ngayon, parang galit na galit pa rin sya? Problema nya?

Paglingon na paglingon ko, halata namang sinadya nyang itapon sa akin yong softdrinks eh.

Papatulan ko sana kaso nagulat ako nong hinigpitan ni Ynah yong hawak nya sa akin na parang may kakaiba.

Kilala rin kaya nila yon?

Anak kasi yon ng isa sa mga ka-business ni Papa.

Di ko alam kung bakit galit na galit yon sa akin.

Binilisan ko na ang lakad ko papuntang CR. Tinatakpan ko ng bag ko yong dibdib ko kasi medyo bumabakat na sya.

Napadaan ako sa canteen kaya bumili muna ako ng buko shake dahil babalik ako sa classroom at ibubuhos ko ito sa ulo nya mamaya.

Pero syempre, nauuhaw lang ako kaya ako bumili. Di ko na sya pag-aaksayahan pa ng oras.

Nangangalahati na ako sa shake at itatapon ko na sana ito kaso medyo malayo pa yong basurahan kaya sa CR ko na lang itatapon.

Nang malapit na ako sa CR, biglang nagring yong cellphone ko kaya nagulat ako at hindi ko na namalayan ang nangyari. Basta ang alam ko lang may nabuhusan ako ng shake na hawak ko.

"The f*ck!" Napatitig ako sa kanya at hindi ko alam kung anong sasabihin.

Ngayon ko lang sya narinig na nagmura ng ganun kaya I am being stoned.

Bumalik sya ng CR at hindi agad ako nakapagreact.

Mga 2 minutes na ng sumunod ako papasok.
At halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko.

O_O

Her long sleeve was unbuttoned and that's exposing her goddamn sexy black brassiere and body.

But it's just her reflection from the mirror.

It was like seeing the most beautiful creature and hypnotized.
Pero nong nagtama ang paningin namin at nakaharap pa rin sya sa mirror ay bigla akong natauhan.

Parang umatras yong dila ko. But I tried my best to compose myself para taasan sya ng kilay.

Ha!

Kala nya sya lang marunong? Pero I know very much na kaya ko lang 'to ginagawa eh para pagtakpan ang kahihiyan ko at kapalpakan ko.

"Miss, if you're trying to ruin my day—" she paused.
Nakatitig lang sya ng diretso sa mata ko.

"—you just did." Pagpapatuloy nya.

Napalunok ako bigla when she turned to face me. Para nya akong lalapain dahil sa tingin nya.

Naka-crossed arms sya kaya super taray n'yang tingnan pero nangingibabaw pa rin ang pagiging hot nya.

Oo na, hindi ko na itatanggi, Freyo is so goddamn hot!

At gusto kong sampalin ang sarili ko because of that thought.

Tinanggal nya yong pagkakacrossed-arms nya kaya umexpose sa akin ang—ugh!

Pero I tried my best na tumingin lang sa mata nya.
"I'm sorry okay? Nagulat lang ako kaya di kita napansin." Pagdadahilan ko sa kanya.

FreyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon