[A/N: Not suitable for babies.]
ZAHARA
Nauna na sa canteen sina Isha at Ynah, lunch time na kasi namin.
Nahuli ako dahil ipinatawag pa ako ni Ma'am Yuri, sabi ko sa kanila, susunod na lang ako.Okay na sana ang paglalakad ko sa corridor palabas ng building nang makita kong makakasalubong ko si George at 'yong iba pa niyang laging kasama.
Shit.
Tatalikod pa lang sana ako kaso huli na ang lahat. Dahil lunch time, ako lang ang tao sa part ng building na ito maliban sa kanila.
"Oh! Mah babe. Come here! I missed you so much." George said.
Parang sa isang kisap mata lang, nakalapit na agad siya sa akin. What the heck!
Hinawakan niya ako sa kanang bewang at inilapit niya ang mukha niya sa akin.
I am so afraid of him. Hindi ko alam kung bakit. Parang nabato ako sa kinatatayuan ko ngayon.
Para akong nanginginig, ilang beses na kasing nangyari ang ganitong eksena sa akin.
"George please. H'wag ako." nanginginig ang boses ko, I think I am going to faint!
Inamoy niya ako at biglang nagtawanan ang mga kasama niya.
"Pre, dati mo pang kursunada yan ah! Di ka pa rin nakakascore?" sabi nong isa at nagtawanan ulit sila.
Sumakit bigla ang ulo ko, sobrang sakit. Ayaw ko ng naririnig ko. Ayaw ko ng ganito!
Medyo nanlabo rin ang mata ko habang ramdam na ramdam ko ang paglamig ng mga kamay ko.
Napahawak pa ako sa braso ni George dahil alam kong matutumba ako. Nahihilo talaga ako.
Pero agad akong bumitaw sa kanya at nilaksan ang loob ko. Baka kung ano ang gawin nila sa akin pag nawalan ako ng malay!
Please, Zahara h'wag ngayon. Laksan mo ang loob mo!
Nagulat na lang ako nang buhat sa likod ko ay may mabilis na nakalapit.
Walang pag-aalinlangang tinulak niyon si George kaya agad siyang napabitaw sa bewang ko.Oh no! Bakit siya nandito?
Baka kung anong gawin sa kanya ng mga demonyong ito.
Nagtaka ako dahil nakatitig lang ang mga kasama ni George sa kanya at walang ginagawa.
Para silang nakakita ng kung ano. Nabato sila na nakatingin lang kay Freyo at kulang na lang ay ngumanga.
"Ang ganda niya sa malapitan, bro." dinig kong sabi nong isang mukhang manyak.
"Do you know what you're doin'?" malamig na tanong ni Freyo kay George.
Ibang-iba ang tono ng pananalita niya, ngayon ko lang narinig ang tonong iyon buhat sa kanya.
"Don't wait for me to ruin you and your little mice." she said and faced me.
Tumawa si George bago nagsalita.
"Don't worry sis. Pag napasaakin naman ang kaibigan mo, hinding-hindi ko siya pahihirapan. Ipararamdam ko sa kanya ang langit araw-araw." he also chuckled after saying that and obviously, Freyo became irritated even more.
Hindi ko na napigilan si Freyo nang agad siyang nakalapit kay George at agad itong kinwelyuhan.
Kitang-kita ko ang panginginig ng makinis niyang kamay at panggigigil nito habang nakahawak sa kwelyo ni George.