ZAHARA
Nanonood ako sa sala habang kumakain ng popcorn. Naaalala ko na naman 'yong ginawa kanina ni Freyo. Naaasar talaga ako! Naaasar ako sa sarili ko kung bakit ako tumanggi.
.
.
.
.
Wait.
What the heck? Ano na naman ba kasing pumapasok sa utak ko?
Pinatay ko na lang 'yong TV kasi lumilipad din naman ang isip ko sa mga walang kwentang bagay! Sayang lang sa kuryente.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko. Dahan-dahan rin akong pumasok kasi baka magising si Freyo. Well, wala akong makita kasi madilim sa loob, patay na ang ilaw.
Bigla kong naisip yong cellphone ko. Great idea! Hindi masyadong maliwanag. Inopen ko agad yong cellphone ko at itinutok sa harapan ko sa direksyon kung saan banda yong kama.
"AAAHHHHHH!!!!"
Agad n'yang tinakpan yong bibig ko dahil talagang napasigaw ako sa gulat.
"Hmmmm..gemmmmhummm!" Tinanggal nya naman kaagad ang kamay nya na tumatakip sa bibig ko nang makita n'yang tumigil na ako.
"Bakit ka ba sumigaw? Napakaarte mo namang babae!" Yan ang agad na sinabi nya pagkabukas ko ng ilaw sa kwarto ko.
"Akala ko tulog ka na! Tss. Ano bang ginagawa mo?"
"Lalabas sana ako bitch. Anong akala mo?" Masungit na tanong nya sa akin.
Agad naman syang humiga na sa kama at tinitigan ako.
"Are you done? Kung tititig ka pa, come here." Sabay tapik nya sa tabi nya.
"Tss. Sinong mas bitch sa atin?" Pabulong kong sabi bago ako humiga sa kama ko. KAMA KO. Tinalikuran ko lang sya at nagtalukbong na ako ng kumot.
Mga kalahating oras na ng tanggalin ko yong pagkakatalukbong ng kumot sa ulo ko. Naramdaman ko kasing di na rin gumagalaw si Freyo.
Paglingon ko sa kanya, nakatalikod rin pala sya sa akin. Wow! Buti naman nagshort na sya. Sayang.
Ano? Hays! Ewan ko sayo Zahara.
I checked the time and it's already one o'clock in the morning.
Buti na lang sabado at wala akong pasok. Hindi talaga ako makatulog.
Pero agad akong pumikit ng naramdaman kong gumalaw si Freyo.
At doon na talaga ako dinalaw ng antok.
****
Tanghali na ng magising ako. Masyado na kasing maliwanag kaya ko alam. Nagpagulong-gulong ako sa kama ko at ng magsawa ako, bumangon na ako kaagad at dumiretso sa banyo.
O_O
"WHAT THE--" Hindi ko alam pero napasigaw talaga ako sa nakita ko. Para akong aatakihin sa puso!
Hindi ko rin nagawang tumalikod agad sa sobrang shock ko.
Nagtaka pa ako kung bakit sya nandito pero agad kong naalala 'yong mga nangyari kagabi. Masyado akong nasanay na wala akong kasama dito kapag nagigising ako.
Pagkabukas ko kasi ng pintuan, nakabukas 'yong shower curtain, kaya kitang-kita ko ngayon ang buong katawan ni Freyo at buti na lang nakaside view sya sa akin.
Mukhang nagulat din naman sya pero hindi ko naman sya nakitaan ng pagpapanic kundi tumalikod lang sya ng kaunti.
Sanay kaya s'yang makitaan ng katawan? Pero sabi ni Ynah hindi naman sya nagmomodel.
"Learn to knock sometimes bitch." At pagkasabi nya non, agad ko syang tinalikuran hawak ang dibdib ko.
My god! Bakit ba ako kinakabahan?
Hindi! Nagulat lang ako no. Sino ba namang hindi magugulat na makakita ng hubo't hubad na katawan na parang lumabas sa isang magazine?
