CHAPTER 3

4.7K 148 4
                                    

ZAHARA

Naglalakad kami nila Ynah at Marisha papunta sa next class namin.

Tss. Hindi naman nagsasalita yong dalawa. Nabibingi na ako sa katahimikan naming tatlo.

"Mind to tell me what's wrong with the two of you? The heck of those faces." Pagsisimula kong magdakdak sa kanila.

"Uhm, alam nyo, daan muna tayo sa canteen, gutom na ako mga tsong!" Si Ynah yan, hindi ayusin pananalita, masasabunutan ko yan eh. Alam nya namang ayoko na nakakarinig ng mga ganoong term.

Inisnoban ko na lang nga. May 20 minutes pa naman kasi kaming break.
At kahapon, yong tinanong ko sila kung sino si Freyo, wag ko na daw alamin. Wala lang daw yon. Sabi ko na nga ba eh. Tingin ko talaga, he's a man. Kasi parang andaming interested sa kanya kahit na wala namang kainte-interes kasi pangalan pa lang, parang wala lang.

"Really??!" Si Ynah yan.

Napatingin ako sa kanya.

"Oh bakit? Meron bang kakaiba sa kanya? Wala naman ah. Pangalan pa lang mukhang ewan na!" Sinabi ko yan sa kanila habang papasok na kami ng canteen.

"WHAT ARE YOU TALKING ABOUT?!"
Silang dalawa ulit yan, parang magkadugtong mga dila nila ahh!

Napansin ko na rin yong pagtingin ng mga nasa loob sa amin. Napataas tuloy kilay ko sa kanila kaya yong iba medyo umiwas pero yong iba nakatitig pa din.

"O? Bakit? Inaano ko ba kayong dalawa?" Taas kilay ko pa ding tanong sa kanila. I just reacted about sa sinabi ni Ynah kanina ah.

"ANG LAYO MO GIRL! We're talking about ma'am Riza. Yong bagong guro, yong maganda ba. But nagtransfer daw sya dito sa school natin kasi may sinundan lang." Si Marisha yan.

Napailing na lang ako sa katangahan ko. Pero lihim akong napangiti.
Pero hindi pala lihim kasi nakita ng mga bruhilda.

"Uuuyy! Si Jeff ba iniisip mo? Asuus! Ay naku! Sinasabi ko sayo pag nakita mo si—" tinakpan ni Marisha yong bibig ni Ynah.

"Uhm, pag nakita mo daw si sir Castro, for sure pagpapalit mo yang si Jeff. HAHAHAHA! " Ewan ko dito kay Marisha.  Si Sir Castro? Nakita ko na yon eh. Yong mestisong prof sa kabilang building. Pero wala namang appeal.

Nakaupo na kami dito pero di pa rin sila umu-order.

"Spag na lang sa akin." Sabi ko.

"Akin din, tapos isang milk float." Si Ynah.

"So ako mag-oorder? Ganun?" Hahaha. Natatawa ako sa mukha ni Marisha ngayon. Nagbablush dahil sa bwesit nya.

Well, hindi naman mahirap gagawin nya ah. Magpapalista lang naman sya doon tapos ihahatid na dito sa table namin ng mga server. Sasabihin lang nya yong name nya. Tapos!

Astig nga dito eh. Ang ganda ng mga building at mga lab. Kompleto talaga, lalo na pag experiment time, pag naubusan ka ng mga chemical na gagamitin, pupunta ka lang doon sa nagbabantay ng mga gamit ng laboratory tapos pwede ka ng magsabi kung anong kailangan mo. Basta may pass ka or signature ng teacher.
May mga nakakapag-aral naman dito na nasa middle status lang, like me. Kami nila Ynah. Kasi affordable naman yong tuition fee depende sa status ng family nyo. They are investigating your family background kung mayaman ba or katamtaman lang at sila na ang bahala. O diba? Pero mas madami pa ring mayayaman ang nag-aaral dito. Mga nasa 80% siguro. Mas nangingibabaw naman yong mga matitinong students kaysa sa mga bully at masasamang ugali unlike other schools. Na ang daming matataray. Yong iba siguro hindi nakapasa sa pagiging ganun. Pero mabuti na rin yon.

Bitch fruits bitches. Baka dumami lang sila dito. But like what I've said earlier, meron at meron pa rin kaming nakikitang mga bitches and bullies. But pag wala lang teachers or kapanahunan lang. Baka pag may mga topak.

FreyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon