ZAHARAKinakapa ko sa dibdib ko ang necklace na ibinigay sa akin ni Freyo nakaraan. It has two pendants, a small heart and a butterfly. I just realized how happy I am today even though I encountered George, well, let's just forget that scene.
Lutang lang akong nakatingin sa harap dahil hanggang ngayon, nag-uumapaw pa rin ang kilig at bilis ng tibok ng puso ko dahil sa nangyari kanina sa penthouse ni Freyo.
Wala na namang ibang nangyari pagkaalis ng Mom ni Freyo, nagmadali na agad kaming umalis at pumasok.
Wala kaming imikang dalawa sa sasakyan nong time na yon.
Napasulyap ako ng tingin sa pwesto ni Freyo, pero nakita kong nakatingin sa akin si Joan na katabi niya ngayon.
Ngumiti siya pero it's way different compared before. Parang walang buhay ang ngiti niya at iniiwas niya rin agad ang tingin niya sa akin.
“Ms. Gabriel? Could you please come here?” napatingin ako kay Ma'am Yuri nang tawagin niya ako.
Nagtaka naman ako bigla.
Katatapos lang kasi ng klase namin. Naglakad ako papunta sa mesa sa harap.“I want you to bring these papers to our department’s secretary. Is that okay with you?”
Well, para namang kaya kong sabihin na hindi okay diba? Tss.
“It’s okay, Ma'am. ”
Kinuha ko na ang mga papel na iniaabot niya at sumenyas kina Marisha at Ynah na sa labas na kami magkita-kita.
“Thank you Ms. Gabriel.”
Malapit na sana akong makarating sa office ng department head para ibigay sa Secretary ang mga papel pero may humatak sa braso ko, dahilan para malaglag ang mga papeles na hawak ko.
What the hell!?
It’s Mithea.
“Wala ka talagang magawang matino ano, Zahara?” nagtaka ako kung bakit.
“Pwede ba, Mithea. Wala akong ginagawa sa’yo.” mahinahon kung sabi sa kanya habang yumuyuko para kunin lahat ng nalaglag na papel.
Pero hindi ko pa nahahawakan ang kahit isa sa mga iyon ay napapikit ako ng di-oras nang hilain niya ang buhok ko. Napatayo ako bigla at napasigaw talaga ako sa sakit.
“Aray! Ano ba Mithea? Get off of me!” impit na sigaw ko sa kanya.
Ang sakit ng pagkakahila niya.
Pinipigilan ko na nga ang kamay niya eh, kasi hinihila niya talaga ang buhok ko.“Inaagaw mo na nga ang atensyon ng lolo, lola at parents ko, pati ba naman si Freyo? Hindi ko na papalagpasin yun!”
“A—ano ba, Mithea? Ano bang pinagsasabi mo?”
Totoo! Wala naman akong ginagawa. Ni wala na nga akong idea sa business ni Papa at sa mga kasusyo niya sa bago niyang negosyo.
Tapos ano daw? Si Freyo?
Kelan pa sila nging close ni Freyo para sabihin niyang nang-agaw ako ng atensyon?
Ayaw ko kasi siyang patulan eh, ayokong dungisan ang kamay ko dahil lang sa immature na pag-iisip ni Mithea. Pero nagtitimpi lang talaga ako ng bongga, dahil gustong-gusto ko na gumanti!
May mga nakakita na rin naman pala sa amin dahil may narinig akong mga papalapit.
Agad silang tumakbo at pinigilan si Mithea sa ginagawa niya.Late na nang mapansin ko na sila Jace pala ‘yon kasama ang iba ko pang kaklase.