CHAPTER 2

5.9K 161 6
                                    

ZAHARA

Maaga akong nagising pero halos di ako makakilos, eh kasi naman nakakatamad kaya. Kahit na lumaki akong walang yaya, talagang nature na sa akin ang pagiging tamad. O eh ano? For sure naman, madami ding katulad ko.

Nagmadali na ako, muntik pa nga akong madapa kasi may nakaharang pala doon sa gilid ng table na upuang maliit, round couch.

Muntik pa tuloy akong mapahamak.

Well, bago pa ako masiraan ng ulo dito, eh tumuloy na ako sa banyo. Hindi ko inaasahang ganito kalamig ang tubig ngayon.

Nanigas talaga buong katawan ko pag-open ko ng shower. Bakit ganun? Sobrang lamig talaga!

Nasa kalagitnaan ako ng pagligo ng biglang magring ang cellphone ko. Nasa kama ko 'yon, pero dinig ko hanggang dito sa loob. Nagmamadali ako, kaya bahala na muna kung sino man ang tumatawag na iyon.

Pagkatapos ko, nagbihis na ako at nagmadali ng lumabas ng room ko. Hindi na ako nag-ayos ng sarili ng sobra, tiningnan ko lang kung maayos ang itsura ko, konting powder at lumabas na.

Pumara ako ng taxi at nagpahatid na sa school na sinasabi ni tito. Hindi pa ako totally enrolled kasi kailangang pumunta doon personally ang enrollee.

Tiningnan ko yong cellphone ko habang nasa byahe kung sino yong tumawag kanina.

Si Jeff pala. Sayang! Edi kung nalaman ko agad na sya yon tumakbo na ako ng hubo't hubad masagot lang sya.
Just kidding!

Mga fifteen minutes lang eh huminto na 'yong taxi. With traffic pa yon. Siguro kung wala, mga five to eight minutes lang.

Paglingon ko sa labas, natulala ako. Nandito pa rin kasi ako sa loob ng taxi eh. Pero nong nahimasmasan ako, agad ko na ring inabot kay manong yong pamasahe ko.

Wow! Just wow!
Hindi ko akalaing ganito kaganda ang sinasabing school ni tito. One fourth lang yata ito ng dati kong school, which is malaki na yong previous school ko ah! Meron na ring dumadating na mga students na mukhang mga formal masyado. By department kasi yong uniform dito eh. Three days uniform, tapos two days na free, kahit ano lang isuot mo okay lang. Pero sabi ni Ynah, Buhat daw nong nag-aral sya dito hindi nya pa daw naisusuot yong uniform talaga ng school.

Department's uniform lang talaga, nakakapagtaka lang. Bakit kaya?
Pero ang alam ko, may issue lang na nangyari.

Papasok na ako ng main gate ng biglang nagulat ako sa humatak sa akin papasok. Kakaswipe ko pa lang kasi ng ID ko para mabigyan ako ng okay sign nong manong guard kung allowed ba ako na pumasok. Ako lang kasi ata ang hindi nakadepartment uniform eh. Teka, tiningnan ko yong humihila sa akin. Si Ynah!

"Hoy! Babae! Namiss kita!!!" Sabi niya, napakahyper na babae talaga ito.

"Well, hindi kita namiss. Iniwan mo ko sa dati nating school!" Tampo ako kunwari.

"Eto naman. Akala mo walang rason ah." Paniwalain talaga.

"Bahala ka! Aasikasuhin ko pa papers ko, para mamayang hapon makapasok na ako." Iniwan ko na sya, sinisigawan pa nga ako eh. Pero alam kong wala na siyang magagawa kasi time na at kailangan na niyang pumasok.

Naglalakad ako sa hallway ng may mga lalake akong makakasalubong. Parang familiar yong isa. Di ko lang matandaan.

"WEW! NEWBIE PREEEE." sigaw nong isa nong as in nagkasalubungan na kami.

" Mine." Sabi nong medyo singkit.

"Sige na nga." Tae nitong mga 'to. Halatang mga freshmen.

Naglakad lang ako ng diretso, medyo may kalayuan yong administration building. Kasi base sa tiningnan kong map kanina doon na nakapost, malapit sa gym. Well, natatanaw ko na.

FreyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon