ZAHARA
Madali kong natapos 'yong written activity na pinapagawa sa amin ni Sir Castro. More on explanation lang naman kasi. Mabuti na lang, medyo gusto ko 'yong topic kaya madali ko lang nasagutan ngayon unlike nakaraan na halos hindi ko nasagutan lahat.
Pinasa ko na kaagad kasi wala na akong balak baguhin ang mga sagot ko.
Tumayo na ako at dumiretso sa harap. Nakatayo si sir sa gilid at nakatingin lang sa mga hindi pa tapos sa pagsagot.
"Are you done Miss Gabriel?"
Tumango lang ako bilang sagot sa tanong niya sa akin.
Babalik na sana ako sa upuan ko nang may bigla akong maalala.
"Uhh, sir?"
Muli n'ya namang ibinaling sa akin ang atensyon n'ya.
"Yes? Any problem Miss Gabriel?"
Tss. Magtatanong lang problema agad ang nasa isip?
"May importante lang po kasi akong aasikasuhin sa labas."
Nagpaalam ako, kasi sa klase niya, bawal lumabas hangga't hindi pa tapos. Pwede lang lumabas kapag pupunta ka sa comfort room at five minutes lang dapat nakabalik ka na, pag lumagpas sa five minutes may consequences na kaagad.
Nakakaasar diba? Ito na 'yong sinasabi nilang pogi daw, mestiso lang naman!
Halos mapataas naman ang kilay ko dahil sa sunod niyang ginawa. Buti napigilan ko.
Iniikot niya kasi muna ang paningin niya sa buong classroom bago ibinalik ang tingin sa akin. Tiningnan n'ya lang naman ako mula ulo hanggang paa. At ang manyak ng dating non, promise.
Nakaskirt pa naman ako ngayon. Feeling ko namula ako hindi dahil sa kinilig ako kundi dahil sa inis at panlilimahid.
Napalunok pa ako ng todo dahil naalala ko na naman ang ginawa ni Jeff. Parang naphobia na ako sa mga ganoong klase ng pangmamanyak.
"Hmm, mag-isa ka lang?"
Bastos na kung bastos pero tinitigan ko siya ng may pagbabanta, na alam ko ang gusto niyang iparating.
Tinalikuran ko siya ng walang kahit anong sinabi at dumiretso sa labas.
Bakit ba lagi ko na lang nararanasan 'yon?
Una, kay George. Pangalawa kay Jeff at pati ba naman kay Sir Castro? Hindi ko maiwasang kabahan dahil baka bawian niya ako sa grades ko.
Lumabas ako at diretso lang na naglakad. Hindi ko alam kung saan ako papunta. Malayo-layo na ang nalakad ko nang mapadaan ako sa isang room at narinig ko na may mga nag-uusap, well nilagpasan ko lang naman 'yon kaso napatigil ako ng marinig ko ang boses ni Freyo.
"Like what I've said Lolo, wala na kami ni Franklin."
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, and at the same time, parang hindi ako makahinga dahil sa narinig ko.
Mas lalo akong nacurious dahil bakit dito sa school nila 'yon pinagtatalunan ng lolo nya. Teka, lolo? Bakit naman nandito ang lolo ni Freyo?
Baka naman kasi kaboses lang ni Freyo.
"Pero mahal mo pa naman siya diba? Pwede pang magwork ang relasyon n'yo."
Mahinahon lang ang pananalita ng kausap niya, pero napakaseryosong pakinggan.
Gusto ko ng umalis at huwag ng pakinggan ang sagot ni Freyo pero hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko."Freyo, mahal mo pa ba s'ya? Magagawan niyo ng paraan 'yon!"
So, it's confirmed! Si Freyo nga ang nasa loob.
