ZAHARA
Black pants with matching sexy blue blouse.
Hmmm. Okay na 'to. Dahil pag nag-inarte pa ako sa pagpili ngayon, for sure malilate na ako sa first class ko.
I checked my phone and saw Jeff's message.-Morning babe! Ingat sa school. <3
Aish! Dali-dali akong nagreply sa text nya.
-Morning din babe! Ikaw kamo ang mag-iingat ;) Labyuu. <3
Hindi ko na chineck kung nagreply sya kasi nagmadali na akong magbihis.
Paglabas ko ng building, nagulat ako kasi nandito pala si babe. Nakasandal sa kotse nya at naka-sunglasses.
Bakit kaya hilig gawin yan ng mga lalake? Pangdagdag pogi points ba yan?
If yon nga, effective naman, sa kanya lang ha!Nang makita nya ako, agad nya akong sinalubong at hinalikan sa pisngi.
Nagbablush na ba ako? Eiii.
"Good morning babe." bati nya sa akin.
"Bakit di mo sinabing susunduin mo ako? Paano pala kung maaga akong umalis, edi naghintay ka sa wala." tinitigan ko sya sa mata at aba ang loko, akala nya hindi ko alam na nagpapacute sya?
"Kung sinabi ko, edi hindi na surprise yon." Nakangiti nyang sabi naman sa akin.
"Anyways, you look so beautiful and sexy today. Anong meron? Hindi pa naman 23 ngayon ah." Pansin nya sa akin.
"Well, hindi ba ako pwedeng maging maganda kahit hindi natin monthsary?" tinaasan ko nga sya ng kilay.
"Syempre dapat araw-araw. Nahalata ko lang kasi na may pinapagandahan ka ngayong araw dahil sa ayos mo ngayon. Tsk! Ganyang-ganyan ka nong bago pa lang tayo eh. Alam mo babe, di mo na kailangan pang magpaganda kasi maganda ka na sa paningin ko." Tuloy-tuloy lang yong salita nya.
At dahil sa mga sinabi nyang yon ay napatigil ako.
"Babe! Babe!" napalingon ako kay Jeff at para hindi nya mahalatang natulala ako ng bongga kanina eh niyaya ko na syang umalis na kami.
Naalala kong baka malate ako sa class ko kay ma'am Celez.
Pinagbuksan nya ako ng pintuan ng kotse at hindi pa rin ako makapaniwala sa naisip ko kanina.
Well, sa halip na suotin ko yong pinripare ko kaninang simple black jeans at blue na blouse eh sinuot ko yong blue dress ko na medyo above the knee.
Wala, trip ko lang. Yon lang yon, wala ng iba, wala akong pinapasexy-han or pinapagandahan or what! Tsk.
"Bakit ang tahimik mo?" Biglang tanong sa akin ni Jeff na s'yang ikinagulat ko.
"Ahh, wala naman. Naisip ko lang na malilate na pala ako sa first class ko. Magsisimula yon ng 9."
"I see. Sige, I'll make sure na we'll make it there at exactly 8:59" sabay tumawa sya.
Hinampas ko sya sa braso at tumawa na rin kahit hindi naman talaga ako natatawa.
Nang huminto kami sa tapat ng school pagbaba nya sumabay na rin ako, hindi ko na hinintay syang pagbuksan ng pinto ng kotse.
And nagulat rin ako sa ginawa ko, dahil buhat noon nakasanayan na naming pinagbubuksan nya ako kahit anong mangyari.
"Babe? Okay ka lang ba?" nagtatakang tanong nya sa akin.
"Uhmm, oo naman b-babe. Nagmamadali lang talaga ako kasi diba nga late na ako?" paliwanag ko sa kanya.