CHAPTER 18

3.5K 144 8
                                    


ZAHARA

"—At 'yong pagnanakaw mo sa akin ng halik, Miss Zahara Gabriel."

Walang umimik sa aming dalawa pagkatapos n'yang sabihin 'yon. Magkalapat pa rin ang mga katawan namin at nakatitig lang kami sa isa't-isa.

Parang napakabagal ng oras. Parang ang daming nangyari. Sa kaunting minuto na nagdaan, parang lahat ng nangyari ay bagong-bago lang sa akin.

I am still speechless. Ako ang kumalas sa pagkakayakap namin ni Freyo.
I know, dahil sa pangyayaring ito, marami ang magbabago sa akin. It's confirmed!

I am so doomed.
Am I really a lesbie?

Oh God!

Hindi ko pa naranasang magkaroon ng crush na babae simula noon. Parang biglaan naman yata?

Love is love, idiot!

But love? Agad-agad?

Pati sarili ko inaaway ko na, ano bang nangyayari?

"Oh God!" Muli akong napatingin kay Freyo.
Parang hindi rin s'ya makapaniwala sa mga nangyari. Parang gulong-gulo rin s'ya.
Dire-diretso s'yang pumasok sa loob ng penthouse n'ya.

Nagdadalawang isip tuloy ako kung susunod ako sa kanya o pipindutin ko na ulit 'yong elevator para bumaba at umuwi.
Pero parang may kusang isip ang mga paa ko at bago pa ako makapagdesisyon,  nakasunod na pala ako sa kanya papuntang kitchen.

Naabutan ko s'yang nakaupo sa isa sa mga upuan doon, nakapatong ang dalawang siko n'ya sa table at hinihilot ng dalawang kamay n'ya ang magkabilang sintido n'ya.

This is wrong.

Sisirain ko lang ang buhay n'ya.

"F-freyo, this is my fault. I'm so sorry."

Nanatili lang s'ya sa pwesto n'ya, hindi kumikilos.

"Don't worry, kakalimutan ko lahat ng nangyari. I won't mess up with you again."

Ang sakit bitiwan ng mga 'yon. Alam ko namang nadala lang s'ya sa mga nangyayari e. She's straight, damn it!

Pero bakit ganito ang mga nangyayari?
Kitang-kita ko naman sa mga kinikilos ni Freyo na nagsisisi s'ya sa mga pangyayari e.

Akmang lalakad na ako paalis ng bigla n'ya akong hatakin.

Nakakunot ang noo n'ya at halos magsalubong ang mga kilay n'ya.

"No! Sorry, sumakit lang bigla ang ulo ko."

Huminga s'ya ng malalim saka ako iniharap ng maayos sa kanya.

"Hindi ko alam kung anong nangyayari sa ating dalawa Zahara. Don't get me wrong, hindi ako napilitan sa ginawa ko kanina." Pagkatapos n'yang sabihin 'yon, kitang-kita ko ang pamumula ng magkabilang pisngi n'ya.

Ang cuuute!

Pero ano daw?
Hindi daw s'ya napilitan, so does it mean na ginusto n'ya 'yon at hindi lang s'ya basta nadala?

"Why are you smiling? Are you just making fun of me?" Mataray n'yang tanong sa akin at agad-agad akong binitiwan.

Kanina pa kasi s'ya nakahawak sa magkabilang braso ko. At hindi ko na rin itatanggi na nararamdaman ko pa rin na para akong kinukuryente at nakakapanghina kapag ginagawa n'ya 'yon.

Akmang tatalikuran n'ya na ako ng pinigilan ko s'ya.

"What!?" Pasigaw n'yang tanong at ng hindi ako umimik sa tanong n'ya, nagulat na lang ako ng hilain n'ya ako papasok sa kwarto n'ya.

FreyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon