CHAPTER 14

3.4K 144 2
                                    

ZAHARA

"Good afternoon Ma'am Freyo, can we start?" Napabaling ang tingin sa akin ni Freyo ng magsimula na akong magtanong.

Nakakatunaw ang tinging ibinabato nya sa akin ngayon and I can't last with those stares she's giving me. As if I've caused a big trouble to her, kaya medyo napalunok ako sa ganoong ideya.

Dahan-dahan naman nyang idinequatro ang kanyang binti at napakagraceful ng bawat paggalaw nya. Parang sya 'yong tipo ngayon na hindi mo man lang hahawakan dahil baka magasgasan.

"Eheeem!" Bigla naman akong napabalik sa aking wisyo at naalala kong nandito nga pala kami para sa interview at hindi para magmuni-muni.

"I said yes, we can start. Now miss —" and then she grinned, "—ask me all the questions and I have some important things to do."

Medyo nagulat ako sa paggrin nya, parang may gusto syang sabihin sa akin o iparating. And I'm sure, it's not great.

"Uhh, okay— this is about the personal information. What's your full name ma'am?" Medyo diniinan ko yong pagkakasabi ko sa ma'am dahil gusto kong iparating na sana she'll take this seriously.

"I think you already know what my full name is." Tss. Freyo! You're getting on my nerves!

Para wala ng gulo, sinulat ko na lang ang pangalan nya.

Freyo Montecarlo

"How old are you?" This time hindi ako tumitingin sa kanya. Nakatitig lang ako sa papel. Parang wala nga kaming kasama dito sa loob eh. Tahimik lang silang lahat as well as Ynah and Marisha. Bakit kasi ako pa ang naging leader dito eh!

"20."

"Are you s-single?" Medyo naguluhan din ako sa tanong kung dapat ko pa bang itanong yon o hindi na dahil obvious naman.

"Can I just fill those up? I can write." Medyo sarcastic pa ang pagkakasabi nya nong huli.

"Sorry ma'am but our professor said that this must be a face to face interview so I hope you'll cooperate." Napansin kong medyo napanganga ang mga groupmates ko sa may pagkaharsh kong tono pero they have no idea what's going on between me and Freyo kaya I'm expecting them to be a little bit shocked.

"Hmm, okay. But if you won't mind guys, I want to have only one interviewer 'cause I'm a little bit distracted with the audience."

This time ako naman ang medyo napanganga dahil sa sinabi nya. So she wants them to leave!?

"Sige besh, para naman hindi sayang ang time, kami na ang magbibigay ng ibang questionnaires sa ibang members ng kompanya. I'll just text you or you can text me if tapos na kayo okay?" Dire-diretsong sabi sa akin ni Ynah at tumayo na silang lahat at nagpaalam kay Freyo.

"Teka! Carlo, swap na lang tayo. Ikaw na dito at kailangan nila ng instructions ko." Oh please! Pumayag ka Carlo, pumayag ka!!!

Pero bagsak ang balikat kong humarap ulit ako kay Freyo pagkatapos kong marinig ang sagot nya.

"Zahara, you're our leader so automatically na ikaw ang magiging interviewer ng company's owner." Medyo napangiti pa sya dahil alam nyang safe na syang makakalabas.

Tss! Hindi man lang tinake ang opportunity na makausap nya ang isang magandang babae one on one!
Ay sabagay, silahis nga pala si Carlo.
Hindi sila talo. Tsk.

Kaasar!

Nang makalabas na silang lahat, bumaling ulit ako kay Freyo.

"Next please." Walang gana n'yang sabi.

FreyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon