CHAPTER 16

3.9K 161 31
                                    

This is dedicated to at04i42jdca.
Thank you for reading! Natuwa ako sa comment mo. ^^

****

ZAHARA

Nandito ako ngayon sa tinitirhan ko kasama ang babaeng hindi ko kailanman inasahan na makakasama kong kumain ng ice cream. Bakit? Meron akong sagot d'yan.

We're not even friends and I am totally a stranger sa mga katulad n'yang mukhang walang pakialam sa mundo.

"So-" Naniningkit ang mga mata n'yang tumingin sa akin bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. "tell me, anong meron at mukhang may nangyaring hindi maganda sa'yo kanina?"

"W-wala. Hindi mo na kailangang malaman pa." Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya at tumitig lang ako sa kinakain kong ice cream.

Napatingin naman ako sa kanya ng ilapag nya ng padabog ang lalagyan ng kinakain nya at medyo yumuko para tingnan ng diretso ang mga mata ko.

"You have so many secrets, bitch. I don't like that."

Aba! Sumusobra na 'to sa katatawag sa akin ng ganoon ah!

"Hey! Sinong bitch?" Napakamot naman sya sa kanyang noo ng marinig ang sinabi ko.

"Ikaw! Meron pa bang ibang tao dito? Ikaw lang ang kausap ko."

Kung kanina, halos manginig ako sa takot, ngayon naman parang kumukulo ang dugo ko dahil dito sa babaeng ito. Oo, maganda nga sya pero hindi nya ako madadala sa ganda nya, ano! Papatulan ko na talaga 'to, naku.

Idinabog ko rin ang lalagyan ng ice cream ko bago ako sumandal sa inuupuan ko. Nandito kasi kami ngayon sa sala at magkatabi kaming nakaupo pero magkalayo naman kami.

"Dinadabugan mo ako? Ang pangit mo bitch." Parang wala lang na sabi nya sa akin pero hindi ko 'yon pinalampas.

Mabilis akong umurong palapit sa kanya at kinuwelyuhan sya. Medyo nagulat rin ako sa ginawa ko dahil magkalapit na magkalapit ang mga mukha namin ngayon. Napalunok ako ng makita ko kung gaano sya kaganda sa malapitan.

Nag-uumpisa na rin akong mabingi dahil sa lakas ng kabog ng puso ko. So totoo pala talaga 'yon? Akala ko dati, exaggerated lang lahat ng mga nababasa, napapanood at naririnig kong kwento ng iba na kaya pala talaga ng isang tao na marinig ang sariling heartbeat.

Well, naranasan ko na rin naman, 'yong kapag tinawag ka sa recitation at hindi ka ready sa pagsagot. Pero sa ganitong pagkakataon? Fudge.

"Seryoso ka ba sa ginagawa mo ngayon?" Napakaseryoso ng tono ng pananalita nya ngayon. Para nya akong pinagbabantaan.

"M-mukha ba akong nagbibiro?"
Akala nya ba, hindi ko sya kayang sungitan? Tss. Dalawa lang naman kami dito, so wala namang nakakakita.

Hindi naman ako mababash ng mga taga-hanga nya dahil wala silang kaalam-alam sa mga nangyayari ngayon.

Itinaas nya ang kilay nya at nagsigh sya. Para na kaming nagkakapalitan ng hininga. Oh Fudge!

Bakit ang bango ng hininga nya?
Hindi amoy ice cream, pero napakanatural lang ng scent!

Nakakabaliw ka Freyo!

At dahil sa kabaliwang sumakop sa pagkatao ko, I committed a very big crime. Guess what?
Ginawa ko lang naman ang pinakatangang maaaring gawin ng isang tao sa katulad ni Freyo.

I can feel her soft lips. Paanong nangyari?

I just closed the gap between us.

I kissed her.

FreyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon