CHAPTER 21

3.9K 139 17
                                    

ZAHARA

Alas dos ng hapon ang klase ko ngayon. Pagkatapos namin kanina sa salon ay umuwi na rin kaagad ako dito sa tinitirhan ko.

Meron pa akong thirty minutes para magmuni-muni at mamaya ay aalis na rin ako papuntang school. Mamaya na rin pala ang deadline ng botohan para sa culminating activity namin na ipapalabas sa closing ng semester kung sino ang magiging representative namin.

Hmm, actually nakaraan ko pa napagdesisyunan kung sino ang gusto kong maging representative ng department namin eh. >\\\\<

Sabi nila Ynah, maganda daw 'yon kapag photoshoot na, kasi may mga days na ilalaan para doon at pwede sumama ang kahit sino.

Isinilid ko na lahat ng kailangan ko para sa class ko ngayong hapon. Nagpencil cut skirt lang din ako na kulay maroon at white top na blouse. Friday naman ngayon, so pwede kaming magsuot ng kahit ano.

Ready na akong lumabas ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Sino kaya itong nagtext? Baka importante kaya inilabas ko ang cellphone ko mula sa bag ko habang naglalakad na palabas.

Pagkabukas ko ng pintuan halos matumba ako sa gulat ng makita kong nakatayo sa tapat ng room ko si Mira.

Napakagat tuloy ako sa ibabang labi ko dahil sa pagpipigil ko ng inis.

Tama ba namang gulatin ako?

"Hi Zahara! Kumusta?"

Todo pa ang ngiti niya habang papalapit sa akin.

"Are you crazy? Sinasadya mo bang gulatin ako?" Mataray kong tanong sa kanya imbes na batiin ko rin siya.

"Ang sungit mo naman! Itatanong ko lang sana kung bakit di na dito nagagawi si Freyo sa apartment mo."

Hindi ko talaga feel ang babaeng ito. Psh!

"Wala akong pakialam doon. Kung gusto mo, siya mismo ang tanungin mo." At nag-umpisa na akong maglakad para hindi ko na makita ang pagmumukha niya at malilate na din ako pag inentertain ko pa siya ano.

Tiningnan ko na rin kung sino ang nagtext sa akin. Napakunot naman ang noo ko ng makita ko 'yong number na tumawag sa akin kanina. Malamang si Jeff ito.

-Thank you Zahara. I'm hoping na mapapatawad mo pa ako. I love you so much.

Binura ko rin kaagad. Hanggat maaari, ayaw ko munang pansinin s'ya.

Bago ako makarating sa elevator, may sinabi pa ulit sa akin si Mira kaya napalingon ulit ako sa kanya.

"Zahara, are you a bisexual?"

Talagang napakunot ang noo ko sa tanong niya and at the same time, kinabahan din ako.

Napaharap tuloy ulit ako sa kanya ng di oras.

"Paano mo naman nasabi 'yan? Mukha ba akong pumapatol sa babae rin?"

Pero parang masasamid ako habang binabanggit ko 'yong mga huling salitang sinabi ko.

Nag-isip naman s'ya kung ano ang isasagot niya sa tanong ko.

FreyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon