ZAHARAPagkaalis na pagkaalis ni Freyo, kinurot ko talaga ang sarili ko.
What was that?
May kasalanan ba ako sa kanya?Oo! Alam ko namang yan ang kasagutan sa tanong ko eh.
Sumunod na rin ako doon sa likod. At nagulat na naman ako sa nakita ko. Akala ko, pagbungad ko doon kitchen lang, yon pala merong pool. At nakaupo na silang lahat doon sa nakahandang mesa sa gilid ng pool.
"Zahara, come on. Bakit di ka agad sumunod?" tanong sa akin ni Joan.
"Uh kasi.." naputol agad ang sasabihin ko ng biglang umepal itong si Ynah.
"Tumawag pa yata ang kanyang labidabs. Yieeee. Walang poreber beshie!" Sabay tawa nya, sinabayan din sya ng tawa ni Marisha at Jace.
"Ang sama nyo! Bitter lang kayo eh. Mga walang lovelife." Pambabara naman sa kanila ni Joan. Kaya tumigil naman sa pagtawa 'yong tatlo at sinamaan sya ng tingin.
"Sapol ba mga bes? Hahahahaha"
Si Joan naman ngayon ang tumawa ng tumawa. At dahil nakanganga sya, pinasakan ni Jace 'yong bibig nya ng maraming marshmallows."Gaskjgo kabb Jvaaacssssz!" Bigla namang tumayo si Joan at tinulak 'yong upuan ni Jace papuntang pool kaya ayon.
Naku! Mga siraulo yata itong mga kasama ko.
Ayon, si Jace naman ang galit na galit dahil wala syang kalaban laban na nilaglag sa pool habang nakaupo.
Napatawa rin ako sa sitwasyon ni Jace ngayon na mukhang nilalamig na.
Pero bigla akong napatigil and I composed myself nang mapansin kong nakatingin sa akin si Freyo. Seryoso lang syang nakatingin sa akin and here it goes again, goosebumps!
Ang ganda nya talaga.
Siguro kung lalake lang ako——Wala!
At napalunok ako sa ginawa nya, sumubo sya ng pagkalaki-laki sa kinakain nyang salad habang nakatingin pa rin sa akin. It's just that, it is soooo sexy while she's doing that. Damn it!
Ano bang nangyayari sa akin? Para akong nahihypnotized sa mga pinaggagawa nya.
I can't help myself but stare at her too.
At natigil lang ang staring contest namin ng biglang nagsalita si Dart na katabi nya.
"Frey, wag ka na munang magstay doon sa penthouse mo. I know Barry, gagawin nya ang lahat para--" naputol ang sasabihin nya ng biglang sumabat si Freyo.
"He can't go there." matabang lang na sabi nya. Pati boses nya, ang sexy pakinggan. A sexy voice of a woman.
Pero, I wonder who's Barry.
"Frey naman! He can! Lalo na't nabili na ng family nya ang kalahati ng buong building." medyo pasigaw na sabi sa kanya ni Dart."So if that's the case, I need someone who can live there, with me." sagot ni Freyo.
"Freyo, Tita Fresha texted me last night. Pilitin daw kitang umuwi na sa inyo." si Joan naman yan.
"I know pinilit ka lang ni Barry ihatid kanina. Bakit ka naman pumayag? Paano kung sa iba ka dinala non?" pinapagalitan na sya ni Dart.
So, Barry is the guy earlier.
How dare he? Pinilit nya lang pala si Freyo? I can't believe it.
"You know what, wala lang talaga akong nagawa kanina when he forced me to enter his car.''
"WHAT!??" Sigaw yan nilang lahat.
"Where are your bodyguards?"
tanong naman ni Jace."Like what I've told you, 'yon ang hiniling ko kay mom. I don't want any fucking bodyguards!" medyo naiirita na sya.