CHAPTER 12

3.4K 127 1
                                    


ZAHARA

"This penthouse is all yours for now." Napatitig ako sa mata ni Freyo. Parang may kakaiba eh.

"I don't understand you." This time, seryoso ako. Hindi ko talaga sya maintindihan. Bakit nya naman ibibigay ng ganun-ganun na lang ang sarili n'yang penthouse sa akin?

"Just please! Wag mo ng alamin okay? You'll take this and—— I'll take yours."

Napanganga naman ako sa sinabi nya. For what reason?
"You know what Freyo, ayoko. As in A-YO-KO! Hindi naman sa pagiging choosy pero wala akong karapatang tumira dito sa penthouse mo."

Lumapit naman sya sa akin at kitang-kita ko ang pag-iiba ng mata nya. Napasinghap ako dahil doon. Woah!
Ngayon lang ako nakakita ng ganun. Tao ba talaga 'to? As in lumaki 'yong pinakacenter na bilog ng mata nya!

"No, ako ang makikinabang kung titira ka dito. Let's just have a swap."

"Pero Fre--" Pinutol nya naman ang sasabihin ko.

"Zahara, okay,okay, I'll explain." Medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil kanina pa ako gulong-gulo kung bakit.

Nakatingin lang ako sa kanya, habang sya, nakatitig lang sa round table sa gilid nya.

"Hindi ka kilala ni Barry, kaya hindi nya iisiping may koneksyon ako sayo, kaya ikaw ang napili ko. Kilala nya lahat ng kaibigan ko kaya hindi ko magawang sila ang patirahin dito. I can't stay in their places too dahil ayokong magulo sila ni Barry. And kung iniisip mo na bakit hindi na lang ako umuwi sa amin? Ayoko."

Tumitig muna sya sa akin bago patuloy na nagsalita.

"Mahalaga sa akin ang penthouse na'to. Just— just help me. Okay?"
Nakakita ako ng kakaibang expression sa mukha nya ng sabihin nya iyon.

"Don't worry, sasabihin mo lang kay Barry na ikaw na ang bagong nakatira dito. And don't ever tell him where I moved. Ako ng bahala sa lahat dito. Just say yes."

"H-ha?" Ano daw?

"I said just say yes."

"Y-yes." Nakita ko namang nagpout sya which is super duper cute bago sya ngumiti.

Pero wait... Anong yes? Bakit ako nagyes? Sabi nya kasi just say yes eh!

"Wait Freyo, hindi pa ako nagye-yes."

"Alright then. Thanks!" At saktong pagharap ko sa kanya ay hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari.

Nanlalaki ang mga mata ko habang hawak ang gilid ng labi ko. Oh My God!
Ikikiss nya sana ako sa right cheek ko pero napaharap ako bigla kaya dumampi 'yong labi nya sa pinakagilid ng labi ko. Pero sa gilid lang talaga! Hindi naman siguro counted 'yon diba?

OHMYGOSSSSHHH!

ANG FIRST KISS KO! Hindi naman diba? Sa gilid lang naman diba?
Parehas kaming hindi kumikilos, ganun pa rin ang pwesto namin ni Freyo hanggang ngayon. Nanlalaki ang mata ko habang nakahawak sa gilid ng labi ko habang si Freyo ay nakatayo sa harap ko at parang hindi rin makapaniwala sa nangyari. Pero wala naman akong ibang expression na nakikita sa kanya.

"I'm sorry." Pagkatapos nyang sabihin yon ay tinalikuran nya na ako.

"Hey! Anong I'm sorry? Pagkatapos mong kunin ang fi—" Bigla kong naisip na hindi nya pwedeng malaman 'yon dahil nakakahiya! Nakakahiya talaga!

"—Uhm, wala." Aish! Hindi naman counted 'yon. Parehas kaming babae diba? Tss.

Napailing lang sya sa akin at pumunta sya sa kitchen. Sinundan ko naman sya at kumuha sya ng tubig sa refrigerator. Bakit parang napakatanga naman ng mga nangyayari sa akin ngayon? Ano bang nangyayari talaga? First of all, curious lang ako kung sino ba ang pinagkakaguluhan nila at pinag-uusapang Freyo ang pangalan. Ngayon, nandito ako at kasama na sya.

FreyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon