CHAPTER 17

3.4K 157 12
                                    

Dedicated to:
at04i42jdca & HarunaKabute

"I kissed you because I like you."

"I kissed you because I like you."

"I kissed you because I like you."

Paulit-ulit ko yang naiisip habang nakaupo ako dito sa loob ng van kasama si Freyo at si manong driver.
Magkatabi kaming dalawa at hindi talaga ako mapakali.

Ano kaya ang nangyari sa akin kung totoong sinabi ko yon sa kanya? Siguro mas mawiweirdohan sya sa akin.

Pagkatapos ko kasing gawin ang katangahan ko kay Freyo, hindi na kami nag-imikang dalawa hanggang sa umalis na lang sya.

Mabuti na lang talaga, hindi ko pinakawalan sa bibig ko ang mga tumakbo sa isip ko non.

Sabihin ko kaya sa kanya mamaya 'yon para mawendang s'ya?

"Freyo, I like you kaya hinalikan kita kanina sa apartment ko."

Yuck! Ang baduy!

Nasa kalagitnaan pa ako ng pag-iisip ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Si Ynah.

"Hello?"

"Beshie, nasaan na kayo? Bakit ang tagal n'yo? Okay lang ba kayo? Di ba kayo nasaktan? Gusto mo sunduin na—" Tuloy-tuloy lang na sabi ni Ynah.
Para tuloy s'yang inang nag-aalala. Tss

"Beshie, okay lang kami. OA mo!"

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay inilahad ni Freyo ang kamay n'ya. Kinukuha nya yata sa akin ang cellphone ko.

Ibinigay ko naman agad, takot ko lang sa kanya.

"Can I talk to Dart?"

Naghintay lang sya saglit bago nagsalita ulit.

"Hey, we're heading home. Sumasakit kasi ang puson ni Zahara. Biglaan lang kasi eh, bigla na lang akong hinatak at iuwi ko na raw sya."

Napatingin ako sa kanya. Ano daw?
Kumukulo talaga ang dugo ko kapag pinagtitripan ako ni Freyo eh!

Mamaya magkatotoo 'yong sinasabi nya. Nakatingin lang ako ng masama sa kanya.

"No. Totoo ang sinasabi ko." At mukhang binabaan nya na ito kahit di pa yata nakakapagsalita ang kausap.

"May ginawa ba ako sa'yo para apihin mo ako?" Sabi ko sa kanya at hinablot ang cellphone ko.

Pero bigla ko rin naisip 'yong tinanong ko sa kanya. Marami nga pala akong kabaliwang nagawa sa kanya! My gaaad.

"Apihin? Tss."

'Yon lang ang sinabi nya.

"Baka ikaw ang sumasakit ang puson! Bakit ba binabaliktad mo pa? Nahihiya ka bang sabihin na sumasakit ang puson mo at ako pa ang—"

Napatigil ako sa pagsasalita ng makita kong napapasulyap sa akin sa rear mirror si kuyang driver. Oo nga pala!
Sinisigawan ko kasi ang señorita nya at baka nagtataka sya sa akin dahil baka ako pa lang ang naencounter nya na sinisigawan lang si Freyo.

"Hmmp!" Yon na lang ang nagawa ko bago sumandal na lang ulit.

Bahala nga sya!

"O? Why did you stopped? May tagos ba ako?" Medyo iniangat nya pa ang pwetan nya para kunwari ay icheck.

What the heck!?

Si manong nandito! Hinila ko agad ang braso nya para hindi na sya umarte na nagchecheck ng pwet nya.

FreyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon