CHAPTER 28

4.5K 250 120
                                        

ZAHARA

Nanginginig pa rin ang mga tuhod ko nang magsimula akong maglakad pabalik sa table namin ni Zeana.

Ganun ba kalakas ang epekto ni Freyo sa akin?

“Ate, ang tagal mo. Gagala pa tayo diba?” ani Zeana pagkabalik ko.

“Nahilo kasi ako kanina..” sagot ko kay Zeana.

Nahilo saan ba Zahara? Lintik.

“Dart, h’wag mo na ako ihatid. Mauna na kayo ni Jace.” narinig kong sabi ni Freyo sa dalawa.

Nakatingin lang naman kaming lahat sa kanya. Napatingin ako sa labi niya habang nagsasalita siya, hindi ko na naiintindihan ang mga sinabi n’yang iba.

Ang pula.

Natural na natural ang pagkapula non. Bakit ko alam?

Syempre, kanina diba? Alam mo naman ang texture kapag may lipstick. Oh my! Baliw ka na Zahara.

“Ate, let's go? Mauuna na po kami.” tumayo na si Zeana. Ayaw ko pang umalis, I want to be with Freyo. Namiss ko kaya siya.

Pero dahil nga kailangan na naming umalis nitong kapatid ko, napipilitan man ay tumayo na lang ako.

“Mauna na kami ah, see you guys tomorrow!” paalam ko sa kanila. Hindi ako lumilingon sa pwesto nila Jace para hindi na sila mag-usisa pag nakita nila ang pasa sa gilid ng labi ko.

“Sasama ako kina Zahara. Don't mind me.” napanganga na lang ako nang tumayo rin si Freyo at kinuha ang sling bag.

“Pero Freyo, lagot kami pag—” naputol ang sasabihin ni Dart dahil sa pagsabat ni Freyo.

“Si Zahara naman ang kasama ko...” tinaasan n’ya pa ng kilay ‘yong dalawa.

Juiceko. Ang sungit talaga.
Pero ang sarap sa pakiramdam ah.
Parang lumundag-lundag ang puso ko dahil sa sinabi niya.

Ang corny ko naaa!

“Ate, siya si Freyo?” bulong sa akin ni Zeana. So hindi n’ya pa pala alam ang pangalan?

Oh my goodness! Nabanggit ko nga pala si Freyo nong time na kinocomfort ako ni Zeana. Nong araw na nasampal ako ni Papa.

“Uh—yeah. Hindi mo pa pala alam?”

Muli niyang sinipat si Freyo mula ulo hanggang paa.

“Nakakatomboy talaga s’ya.” rinig kong bulong ni Zeana habang pailing-iling.

At dahil sa sinabi niya, parang nabuhay muli ang nanlalamig kong dugo sa katawan at hinila siya ng medyo malayo sa pwesto ng tatlo.

“Gumising ka nga, Zeana! Hindi ka trip niyan!” sabay nguso ko sa kanya.

“Sinabi ko bang trip ko siya? Ang ganda lang niya kasi talaga ate! Nakakatomboy naman talaga.”

-____-

“Mauna ka na doon sa labas, kakausapin ko muna itong mga ‘to.” sabay turo ko sa likuran ko banda.

Tumango naman siya at nag-umpisa ng maglakad.

“Zahara, sasama daw sa’yo si Freyo. Pag uuwi na siya, tawagan mo itong number na ‘to. That's her driver's number.” saad ni Dart.

Medyo nagtaka tuloy ako kung bakit parang ang higpit nilang lahat pagdating kay Freyo.

Oww, sabagay... Maliban kay Barry, marami pang interesado sa kanya. Mabuti na rin iyon.

“Napano ka?” tanong pa niya habang itinuturo ang gilid ng labi ko.

FreyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon