CHAPTER 31

3.4K 242 42
                                    


ZAHARA

Agad sumalubong sa mga mata ko ang liwanag na tumama sa salamin ko rito sa loob pagmulat ko. Lumingon ako kung ano o sino ang puno't dulo ng paghawi ng kurtina sa bintana ng kwarto ko.

It was Zeanna. Bihis na siya at handa ng umalis. Nakasukbit na rin sa kanang balikat niya ang bag na naglalaman ng mga damit niya.

She wiggled her eyebrows and pulled the sheets that covers me.

"Hindi ka papasok ngayon? Oh come on! The favorite daughter of Harry Gabriel is now a badass and already know how to cut classes." she said, laughing.

"Excuse me? I am not cutting classes. Aabsent ako! Ang nagka-cut ng class, yung pumasok tapos... And why the hell am I explaining? " nagtataka ko ring sabi nang mapagtantong wala namang maitutulong ang pagpapaliwanag ko.

"And you know what, kung paborito ako ni Papa... hahayaan niya akong gawin lahat ng gusto ko. In my own will, got it Zeanna?"

Bumangon na rin ako, napagdesisyunan ko na pumasok na lang kesa mag-isip dito maghapon.

Ayaw kong mag-isa.

Ayaw kong maisip siya.

"Sinong ayaw mong maisip?" nagtatakang tanong ni Zeanna sa akin.

Oh crap, did I just say it aloud?

I pursed my lips and shoved my hand.

Pero dahil si Zeanna ang kausap ko, hindi niya pinalagpas ang narinig niya.

"Well, I thought tamad ka lang... Yun pala, nawawalan ka na ng bait sa sarili ate." sabi nito at umupo sa dulo ng kama.

She's so persistent!

"I just remembered our thesis. Ayaw kong maisip yung mga kagrupo ko. Kaya mas mabuting pumasok na lang ako kesa mamroblema dito mag-isa."

Tumayo na ako nang tuluyan at naglakad papuntang banyo.

Nilingon ko ulit si Zeanna nang magsalita siya.

"By the way ate, nagtext na si kuya. He's on his way and malapit na siya. Gonna go!" she snapped.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"I will miss you, ate." Aww.

"Me too. Magpakatino ka na. Huwag mo ng dagdagan ang sakit ng ulo nila mama at papa."

Kinurot niya naman ako sa tagiliran. Dahilan para mapatili ako sa sakit.

"Ikaw lang pwede?" tinaasan niya ako ng kikat at pagkatapos non, umalis na siya ng kwarto ko. Narinig ko na lang ang paglock ng main door.

Pumasok na ako sa banyo para maligo. Masyado na akong nagpapadala sa emosyon ko. Who the heck am I worrying about? Uhh, HER?

Pagkarating ko sa school, inaabangan pala ako ng dalawa sa isang courtyard malapit sa gate. Nang makita nila ako, agad silang sumirit ng takbo palapit sa akin.

Bakit na naman kaya? Ano na naman kayang kakaiba ang nangyari?

"Beshie! Namiss ka namin." sabi ni Marisha at sabay nila akong dinumog na dalawa at hinalikan sa pisngi.

"Ewww!" maarte kong sabi kunwari, "Anong problema? Ba't ang hyper niyo ata?"

"Wala naman. Kamusta yung galos mo?" tanong ni Ynah habang chinicheck kung saan banda yung karmot sa akin ni Mithea.

Speaking of that wicked bitch, ooops!
Suspended siya ng isang linggo dahil sa ginawa niya. Ipapatawag pa nga sana ang parents niya pero ako na nakiusap na huwag na muna.

FreyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon