CHAPTER 1

11.1K 217 3
                                    

All names, characters, and incidents in this story are fictitious. No identification with actual persons, places, building and products is intended or should be inferred and all of the contents are products of the author's wild imagination.

***

Third Person's Point of View


Nakatitig lang sya sa kisameng puti buhat noong nagising sya. Her tita together with her cousin, sila lang ang naroroon at wala ng iba.

" Kailan po tita?" Tanging naitanong nya.

" Next year, or maybe next next year. Please don't get—" agad ding naputol iyon dahil sa pagsabat nya.

" I want it, oh please. I want it now." Walang emosyon niyang sabi.

"Hell no! No way. Please, be strong." Sabat naman ng pinsan niya.

"Where is—crap! Forget about it." She said.

Napailing na lang ang kausap nito at iniba ang usapan.

Lumipas pa ang ilang oras ng mapagpasyahan na munang umalis ng kanyang tiyahin at pinsan. And there it goes, again and again. Gusto niyang mag-isa, but at the same time hinihiling niya na may dumating at kausapin siya para naman malimot niya ang mga tumatakbo sa isip niya.
Gusto niyang pigilan ang sarili niyang huwag masaktan, gusto niyang makalimot kahit sandali lang.

***

ZAHARA

Nakatingin lang ako sa kawalan habang bumabyahe kami ng tito ko. Nakatanaw lang ako sa labas, sa mga magagandang bahay at puno na nadadaanan namin.

Binuksan ko ang bintana para makalanghap ng sariwang hangin habang nandidito pa ako sa hindi masyadong crowded na lugar.

Anong klase kaya ang magiging buhay ko doon?

Ihahatid ako ngayon ng tito ko sa Manila, doon kasi ako magtatapos ng college for some reasons. 

Advantage naman 'yon para sa akin, si papa na mismo ang nagtulak sa akin na masanay akong mabuhay mag-isa, although sobrang higpit non sa akin. Hindi ko naman itatanggi na gusto ko rin, dahil I want to explore many things in life.

Well may bahay rin naman kami doon pero medyo malayo sa school.

"Wag kang pasaway doon ha! Isang private and prestigious school 'yon. Magpakadalaga ka!" Si tito yan, nangaral na naman.

" Tsk! Of course." Masungit kong sagot sa kanya.

Well, mula high school, eh nakilala na ako sa pagiging masungit at matured kumilos. Kaya nga paniguradong nang-aasar lang yan si tito kasi kung makapangaral naman! Psh.

Pero bigla syang sumeryoso.

"Yong boyfriend mo, nalaman lang na sa Manila ka na mag-aaral, eh lumipat na rin ng school sa Manila." Kunot noo nyang sabi.

"At buti na lang, hindi sya masyadong paobvious ha! School lang na kalapit ng school mo." Patuloy nya pa.

" Oh, eh ano naman ngayon tito? Mabuti nga 'yon eh. Meron na akong makakasama sa Manila na kakilala ko." Sagot ko naman sa kanya.

On the way na kami to Manila, which is two hours ang biyahe. Hinatid nya ako ng kotse nya.

" Zahara, you know what I mean. I knew Jeff!"

Hindi kasi sila boto kay Jeff, well ano bang meron kay Jeff?

Pogi.
Matangkad.
Mayaman.
Mabait.

Oh diba? Anong meron at ayaw sa kanya ng mama at tito ko. Si papa naman, okay na okay sa kanya kasi maliban sa kababata n'ya 'yong papa ni Jeff eh matalik nya pa 'yong kaibigan.

"Tsk!" Ang tanging naisagot ni tito. Close ko yan eh. Sa lahat ng tito at tita ko, sya ang close ko.

Mahabang byahe pa ang nangyari at napataas ang kilay ko ng dumating kami sa titirhan ko.

3 story building yon. Well, maganda.
Pero hindi naman 'yong katulad nong mga apartments na super makapigil hininga.
Kung tatanungin nyo katayuan ko sa buhay, ayos naman kami. May pera din. Kumbaga, nakakaangat din naman kami pero hindi super duper yaman. Di pa ganoon ka-successful ang business ni Papa.

"Tito, you can go. May boy naman doon eh. Magpapatulong na lang ako."

" Uhm, o sige. May nagtext din kasi sa akin eh. May emergency sa shop. Oh, ito." Inabot nya yong susi ng room ko.
Sinabi nya na rin kung anong room number sabay nagmadali na syang umalis.

Nag-bye pa ako sa sasakyan nya, ewan ko kung nakita nya pa yon.
Nagmadali na rin akong pumasok sa lobby ng building at nagpatulong sa isa sa mga staff nila doon para kunin sa labas lahat ng mga gamit ko.

Nang makaakyat kami sa room ko, binigyan ko naman ng tip yong tumulong sa akin.

Ayos na rin pala dito. Malaki na rin, para sa isang tao. May mini refrigerator din, may isang kwarto, may sala din pero hindi ganun kalaki. And of course may kitchen din.

Bago daw lahat ng gamit ko dito sabi ni Tito Jacob. As in lahat pati mga couches. Ang bait talaga ni Tito.

Kinuha ko yong cellphone ko para itext si Jeffrey.

-Hey babe, dito ka na ba sa Manila?

Mga 5 minutes bago sya nagreply.

-Di pa babe eh, maybe tom. :) may inasikaso pa kasi ako eh
Miss u and love u <3

"HAAAY." Nakakapagod ang byahe!

Pumunta ako sa kwarto ko at pumasok sa CR. Meron kasi akong sariling CR sa loob ng kwarto, meron ding isa malapit sa kitchen. Maghahalf bath muna ako bago ako matutulog.

Pagkalabas ko, nagbihis na ako at dumapa kaagad sa kama kong malambot.

Maaga akong matutulog dahil bukas, aasikasuhin ko yong ibang requirements ko para officially enrolled na ako sa prestigious school daw na 'yon na si tito ang pumili. Ni hindi ko pa nga nakikita yong school na 'yon eh.

But I'm so sure na may kasama na ako kaagad sa school na yon at classmates pa yata kami. Kasi konti lang daw yong kumukuha ng course na 'yon eh, mga 25 lang daw ang enrolled doon kaya for sure, 1 block lang. Si Ynah, my high-school friend na doon na nagfirst year hanggang third year. Nauna lang sya dito sa Manila mag-aral. We're  already fourth year, so I hope hindi ako niloloko ni tito na "prestigious" ba talaga yon o waley lang na school. Psh!

Unti-unti na akong pumikit at dahil siguro sa matinding pagod sa byahe, nawalan na ako ng ulirat.

****

FreyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon