CHAPTER 24

4K 193 38
                                    

ZAHARA

Agad akong hinatak palabas ng sasakyan ni Ynah pagkahintong-pagkahinto pa lang ng kotse ni Marisha.

Kinaladkad niya agad ako papasok sa bahay nila Joan.

Nakakahalata na ako ah! Kanina pa nila ako tinatrato na parang alipin.
Kung makakaladkad, wagas talaga!

Pati pagbihis ko, hindi man lang ako pinayagan. Hindi tuloy ako komportable kahit na confident ako sa kulay at kinis ng mga hita ko.(Si author lang hindi.)

"Would you please calm down Ynah? I'm not gonna run, so get off me." Mahinahon kung sabi sa kanya kahit kitang-kita ko kung gaano na kapula ang wrist ko.

Napatingin din siya sa kamay ko pero wala lang, tuloy-tuloy pa rin kami sa loob. Parang sa kanila itong bahay ano?

Wala kasing sumalubong sa amin na katulong. Basta lang nakaopen yong pinto.

"Nakakahiya namang tuloy-tuloy lang tayong pumasok dito." Nilingon ko si Isha.

"Nope. Iniexpect na tayo ni insan kanina pa. Natagalan lang dahil sa kabagalan mo."

Napanganga na lang ako sa sinabi sa akin ni Marisha.

"K-kasalanan ko!?" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Ni hindi n'yo nga ako pinagbihis ng desente."

Siya naman ang napatingin sa akin.

"Okay naman ah! Medyo may kaiklian lang ang shorts mo, pero okay lang yan! Tayo-tayo lang naman eh." Mabilis niyang saad sa akin bago naglakad na ng mabilis.

"Oh wait, maliban na lang kung may—"
Napataas pa ang kilay ko dahil sa pambibitin niya.

"Ano?"

"Wala beshie! Dalian n'yo. Sa kitchen daw tayo tumuloy." Hindi ko na lang pinansin. Wala naman akong mapapala sa kanilang dalawa.

Medyo masakit na ang kamay ko kaya pinilit kong iwasiwas ang kamay kong hawak-hawak ni Ynah.

"Ano ba Ynah? Hindi ako tatakas." At 'yon, bago niya lang ako binitawan nong papasok na kami sa kusina.

Nandoon na pala 'yong tatlo. Inilibot agad ng mata ko kung nasaan si—

"Finally! Buti dumating pa kayo." Pasigaw na sabi ni Jace.

"Of course, kailan ba kami hindi sumipot? 'Yong isa lang naman kasi dito ang nagpapilit pa! Ayan tuloy!" Pagpaparinig sa akin ni Marisha, sabay titig sa akin.

"Ohh! Kaya palaaaa, di bale,  mabubusog ang mata ko." Nakangiting sabi ni Jace habang tinataasan ako ng kilay.

Napakunot-noo na lang ako at tinitigan ng masama si Jace.

"Jace, hindi kayo talo ni Zahara. Okay? Hindi yan pumapatol sa mga hindot na tulad mo." Biglang sabi ni Ynah.

What a word.

Bibig talaga nitong babaeng ito eh.

"What did you say?" Maangas na tanong naman nong isa. Psh!

At ayon, nakahanap na naman ng kaaway si Jace. Lagi na lang.

"Zahara, put this on. I know you're good at baking." Kinuha ko naman 'yong apron at panali sa buhok na inabot ni Joan.

Pero napatingin ulit ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Sinong nagsabing magaling akong magbake?"

Napalingon naman kaming lahat ng biglang tumawa ng pagkalakas-lakas si Ynah.

FreyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon