ZAHARASa labas pa lang, hilong-hilo na ako dahil sa mga taong nakikita kong naglalakad papasok at nagsisigawan na parang mga tuwang-tuwa at walang problema sa buhay.
Tss. Buti pa sila!
Sana maranasan din nila ang sitwasyon ko ngayon. Ang sakit din pala kahit na hindi ko pa napapatunayan.I just can't believe it. Sabagay! Hindi ko pa naman pala napapatunayang totoo.
Jeff loves me. He really does, I know it and I can feel it! I will definitely give a damn kung sino man 'yong babaeng pinag-awayan daw nila.Oh wait, nandito nga pala ako sa harap ng isang sikat at exclusive na bar. Ayaw ko doon sa bar na medyo malapit lang sana kaso lagi kong naririnig na pinupuntahan yon ng mga schoolmates kong baliw at party people.
Nagmadali na akong naglakad papasok pero hinila ako pabalik ng dalawa kong kasama. Oh right!
May kasama pa nga pala ako."Miss, can you swipe your card here?" Napataas ang kilay ko kay kuyang malaki ang katawan.
"Anong card?" Tanong ko kay Mr. Bouncer.
"Anong card pinagsasabi nito?" Pabulong ko ring tanong kay Ynah ng hindi agad sumagot 'yong kuya.
"Uhm kuya, newbie. Sagot ko na 'to!" Napalingon ako kay Marisha at kinindatan naman ako ng loka. Narinig ko namang tumawa si Ynah at hinampas pa nya ang braso nong manong bouncer. Feeling close kay kuya eh? Sinamaan ko naman sya ng tingin kaya tumigil naman sya pero napakasarcastic ng dating. Pramis!
Hinila na nila ako papasok at talagang nalulula na ako sa mga ilaw at mga tao. Karamihan ay mga babae lang, iilan lang ang mga lalaki.
"Hey kayong dalawa, suki na ba kayo dito? Bakit may card na kayo?" Naalala kong itanong sa dalawang kasama ko.
"Akala kasi namin ay ayaw mo sa ganito kaya di ka na namin niyayang mag-avail ng card dito." Wow, ang sarap batukan ni Ynah ah! Kapikon!
Parang mas nai-stress pa ako sa pagsama ko dito sa kanila.
Well, this is my first time to enter this kind of place. Good luck to me.At nandito nga pala ako para magliwaliw at makalimutan ko pansamantala ang iniisip ko about Jeff. Kaya magpapakasaya ako.
Nag-order agad ako ng heavy drinks. Yeah, heavy. What's the sense of light drinks kung ang ipinunta ko naman talaga dito ay magpakalasing, diba?
Pinipigilan pa nga ako nina Ynah pero hindi ko sila pinansin kaya wala na silang nagawa."Yah, beshie! Dapat nag sex on the beach ka na lang muna!" Napatingin naman ako kaagad kay Ynah dahil sa sinabi nya. Ano daw?
"Wait, what? Sex on the what?" Pagtingin ko kay Ynah, nakaface palm sya at hindi maipinta yong pagmumukha nya.
"Anong connect?" Nakakapikon talagang kasama 'tong mga to.
At pagkasabi ko non, biglang humagalpak ng pagkalakas-lakas si Marisha.At dahil doon, parang nakakuha sya ng atensyon at may lumapit sa aming tatlong lalaki.
"Hey Marisha and Ynah! Nandito rin pala kayo? Pakilala nyo naman kami sa magandang kasama nyo!" Napatingin ako sa nagsalita na medyo singkit. Well, gwapo sya.
"Hey Ethan! Kanina pa kayo dito? Anyways, oo nga pala. This beautiful friend we have here is Zahara, Zahara Gabriel. Beshie, these boys are Jeff's friends and schoolmates, si Ethan, si Frederick at Ford." Nag-hi sa akin yong Frederick at Ford.
"So you are Zahara! Jeff's girl. Akalain mo nga naman oh!" Pagkatapos nyang sabihin yon, inilahad nya ang kamay nya sa akin. Pero tiningnan ko lang yon ng walang emosyon.