CHAPTER 23

4.3K 178 37
                                    


ZAHARA

"Zahara..."

Siguro kung ako lang mag-isa dito ngayon, kakabahan ako at baka nagsitayuan na lahat ng balahibo ko, pero dahil may kasama naman ako ngayon, palalagpasin ko munang saraduhan siya ng pintuan.

"What do you need?" Pabulong na tanong ko sa kanya.

Yumuko siya at tumingin sa dala-dala niya.
Doon ko lang napansin na may hawak siyang bouquet ng pink roses.

Oh gosh! Bakit ang favorite flower ko?

T_T

"Paano ka nakapasok dito Jeff?"
Ganun pa rin ang pagtatanong ko sa kanya. Pabulong lang at napapatingin pa ako sa likod ko dahil baka naririnig kami ni Freyo.

"I want to surprise you, kaya pinakiusapan ko 'yong mga nasa baba. I'm sorry babe. Please, trust me. Wala akong gagawing masama sa'yo, please."

Alam kong sincere siya sa mga sinasabi niya ngayon pero hindi naman ako basta-basta ano!

Inabot niya sa akin ang dala niya. Hindi ko sana tatanggapin pero parang bigla akong nakarinig ng echo ng mga salitang narinig ko kani-kanina lang.

"Yes Lo, I love him."

"Yes Lo, I love him."

Alam kong katangahan lang ang gagawin ko pero minsan lang naman ako gagawa ng bagay na hindi ganoon kanice diba?

Okay lang naman diba? Tsk.
Minsan lang naman ako gagawa ng bagay na medyo, medyo lang naman, na hindi ko pinag-isipan.

"Hmm, okay. Come in."

Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Jeff. Hindi niya siguro inaasahan na patutuluyin ko siya. Pero agad din naman siyang ngumiti.

Pero bago ako naglakad, kinuha ko 'yong bulaklak na kanina n'ya pa iniaabot sa akin.

Medyo may paliko pa kasi ng konti bago makita ang pinakaliving room ko, kaya hindi ko alam kung nakaupo pa rin sa pwesto niya kanina si Freyo.

Nandoon pa rin pala siya at nakatingin sa kanyang cellphone. Hindi naman siya nag-abalang tumingin sa pagpasok ko at mukhang hindi niya rin napansin na may kasama akong pumasok.

Napalingon ako kay Jeff. Napatigil siya at nakatingin lang kay Freyo na busy pa rin sa cellphone niya.

"She's Freyo right?" Tanong niya sa akin, pero napakahina lang non at kung hindi ako malapit sa kanya, hindi ko siya maririnig.

"Yes, why?"

Umiling lang siya at hindi na naman ako nagtaka na kilala niya si Freyo.

Naglakad ako at inilagay ang flowers na bigay ni Jeff sa table na katapat ni Freyo.

Hindi naman siya nag-angat ng tingin kaya umubo ako kunwari at nagsalita.

"Wait lang Jeff ha. Anong gusto mong inumin?" Tanong ko habang nag-uumpisang maglakad papunta sa kusina.

"Water na lang. Thanks!"

Dumiretso na ako ng kusina. Kumuha ako ng tubig at isinalin ko sa baso.

Pagbalik ko sa sala, ganun pa rin ang pwesto ni Freyo. Si Jeff naman, tahimik lang na nakaupo sa katapat niyang upuan.

Pagkalapag ko ng baso sa center table, napatingin sa akin si Freyo.

And before pa mahawakan ni Jeff ang basong inilapag ko sa harap niya, kinuha 'yon ni Freyo at ininom.

FreyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon