CHAPTER 27

4.4K 323 56
                                    

[A/N: May moment na po ang dalawa nating chikababes, enjoy reading!]

ZAHARA

Tatlong araw na akong nandito lang sa bahay. Pinili kong hindi na muna pumasok dahil hanggang ngayon, kitang-kita pa rin sa gilid ng labi ko ang malaking pasa dulot ng pagsampal sa akin ni Papa nakaraan.

“Zahara, mag-usap tayo.”

Nagdalawang isip pa akong buksan ang pintuan ng kwarto ko nang marinig ko ang boses ni Mama.
Pero hindi n’ya naman siguro kasama si Papa kaya nagmadali na akong naglakad papuntang pinto.

“Ma, I told you, kung about sa pakikipagbalikan ko kay Jeff ang sasabihin ninyo, I won't change my mind.”

Napatitig muna sa akin si Mama bago nagsalita.

“Anak, ano ba talaga ang nangyari? Ilang buwan lang ang lumipas bakit biglang ganito? Nakaraan lang, parang sobrang mahal ninyo ang isa't-isa.”

Alam kong sobrang nagtataka silang lahat. Pero hindi ko rin alam, basta paggising ko isang araw, hindi na ako kinikilig kay Jeff, hindi na ako naeexcite sa mga text nya at higit sa lahat, bago sa akin lahat ng nararamdaman ko ngayon.

Gusto kong sabihin na Jeff tried to rape me, but gugulo lang lalo ang lahat. Alam kong hindi ako paniniwalaan ni Papa. Baka isipin niyang sinisiraan ko lang si Jeff para hindi ako maikasal sa kanya.

“I just realized na hindi ko talaga mahal si Jeff. And we were just set up for Pete's sake. Ma, please, I want to marry someone that I am sure of.”

Agad naman akong niyakap ni Mama nang makita niyang mangiyak-ngiyak na ako.

“Sssh. Tahan na, pakikiusapan ko ang Papa mo.” Sabay halik sa noo ko.

I felt comfortable somehow.

“Salamat Ma.”

Akala ko pa naman, magiging masaya ang pag-uwi ko dito. Tuwing kakain kami, hindi ako nagsasalita unlike dati. I hate all of them now except Mama and Zeana. Bakit hindi si kuya at ate ang iarrange nila?

Kung talagang mahal ako ni Papa, hindi niya gagawin 'yon. Hindi niya ipamimigay ang anak niya sa kahit na sino. Gusto ko na bumalik sa Manila.

“Ma, babalik na ako sa Manila mamaya. Two days na akong absent.”

Hinaplos ni Mama ang likod ko bago tumango.

“Ipapahatid kita sa kuya mo.’’

Pero agad akong umiling sa sinabing yon ni Mama.

“No Ma, magcocommute na lang ako.”
Alam ni Mama na hindi kami close ni kuya.

“Pero doon din ang punta niya, doon muna siya tutuloy sa isa nating bahay. Kaya sumabay ka na Zahara, ayaw kong magcommute ka. Gagabihin ka ng dating doon, hapon na.”

Napatitig din siya sa gilid ng labi ko na may napakalaking pasa hanggang ngayon.Malas ko lang, may suot na singsing si Papa nang sinampal niya ako. First time kong nasampal ah.
First time akong sinaktan ni Papa.

“Masakit pa ba yan, anak?”

Masakit pa, lalo na kapag nagagalaw ko. Pero nagsinungaling na lang ako para hindi na mag-alala si Mama.
Sinabi kong hindi na.

“Si Zeana Ma?” Naalala ko bigla yong babaeng 'yon. May pasok sya ngayon pero ang sabi niya, aagahan niyang umuwi at may gagawin siyang importante. Kaya hindi ako makaalis-alis eh, akala ko two o'clock sya uuwi, alas tres na.

“Wala pa nga eh, akala ko hanggang alas dos lang ang klase niya ngayon.” Sagot ni Mama.

-Ate, wait for me ha. Wag na wag kang aalis. I'm coming home, stay still.

FreyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon