ZAHARA***
Malungkot akong pumasok sa last subject namin. Hay! Ano na naman bang kapalpakan ang nasalo ko ngayong araw?
Totoo kayang may balat ako sa pwet? Pero wala naman talaga eh! Chineck ko kaya. -.-
Tukso yun lagi sa akin ni Zeana kapag laging palpak ang timing at pinaggagawa ko eh. O kapag yung mundo na mismo ang nagsasabing di pwede pero ginagawa ko pa rin, puro palpak lang tuloy.
"Hoy! Ano yang mukha mo? Parang pasan mo ang daigdig!" tukso sa akin ni Marisha.
Napaikot tuloy ang mata ko dahil sa sinabi nya.
Kukurutin nya pa sana ang pisngi ko, kaso buti na lang, naiwasan ko agad.
Ang sakit pa naman niyang mangurot.
"Ah beshie, punta tayo mamaya ng hospital ha. Sa pamangkin ni Ynah." paalala nya ulit.
Nag-isip agad ako ng dahilan. Di pwede. Kailangan kong makasiguro na akin si Freyo ngayong araw. Narinig ko kasi kanina yung Franklin, parang niyayaya si Freyo sa kung saan.
" Beshieeee, I'm so sorry. May importante kasi akong aayusin mamaya, pwede bang bukas na lang natin sila bisitahin?" nagpout pa ako at puppy eyes.
"Ano na naman yan? Alam mo ikaw, nakaraan ko pa napapansin na may pinagkakaabalahan ka."
Haaays!
Akala ko pa naman papayag agad sya.
Kainis naman oh!"Wala ano! Nakaraan? Wala akong matandaan na pinagkabusyhan ko nakaraan." sabay kunot ko ng noo.
"Sige, bukas na lang." nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang sagot niya.
Akala ko magpapapilit pa eh.
Ngumiti ako ng pagkalapad-lapad sa kanya bago kinuha ulit ang cellphone ko.
"Uhh, alam ko na. May date siguro kayo ni Jeff, ay este Josh pala." agad akong nagkunwaring nasusuka nang marinig ko ang pangalan ni Jeff dahilan para matawa si Isha.
"Hindi! Kailan pa ako nakipagdate sa walang label?" Nagtingingan kami at sabay na tumawa ng malakas.
Sakto namang pumasok sila Freyo.
Mas lalong tumalim ang itinapon niyang tingin sa akin nang makita niyang tumatawa ako.
Akala nya siguro, di ako affected sa nangyari kanina, kaya agad akong tumigil sa pag-ngisi at yumuko ng kaunti.
"Nakakainlove talaga yang pagtawa mo Zahara babe! What a perfect set of teeth!" sigaw ni Jace sa akin sabay kindat.
Alam kong may ibig siyang ipahiwatig sa sinabi niyang 'yon.
Hay naku, Jace! Panira ka talaga ng moment.
Baka mas lalong maasar sa akin yang isang yan! Ugh -_-
Inisnoban ko lang sya bago kinuha ang phone ko. Disappointed naman ako nang makita kong wala man lang text si Freyo.
Ano ba naman itong unang araw namin!? Nakakaasar ha.
Ayaw mo non? May thrill!
A-YO-KO!
Iba yung kay Freyo.
Gusto ko yung seryoso.
Ayokong mawala sya sa paningin ko.Hindi na ako makatiis. Ayoko ng ganito! Ayoko kong may nakikitang umaaligid pang iba sa kanya!
Alam mo yung pakiramdaman ng parang sinisilihan? Ganun! Lalo na pag nakikita ko kung gaano kalagkit ang mga titig sa kanya nong Franklin na iyon.