CHAPTER 10

3.8K 156 28
                                    


ZAHARA

Inaayos ko ngayon 'yong kwarto ko. Hindi ko alam kung pinagtitripan ba ako ni Freyo o talagang seryoso sya sa sinabi nya kanina.

Sana seryoso sya.

Oh my God! Ano bang pumapasok sa isip ko at parang feeling ko ang manyak ko namang babae?

Pero kasi...

Ano ba talaga ang lahi nya at bakit parang fairy o dyosa ang itsura nya!?

Hay naku! Na-iinsecure lang siguro ako sa kanya. Bakit kasi may mga ganyang mukha? Minsan naisip ko, ang unfair!
Di ko naman sinasabing hindi tayo pantay-pantay na nilikha ng Diyos pero bakit may mga magaganda talagang nilalang katulad ni Freyo?

Aish! Insecure nga talaga ako.

"Aish!" Inihagis ko 'yong paborito kong unan ng malakas dahil kung anu-ano na talaga itong naiisip ko. Naiinis na ako sa sarili ko.

Totoo yatang nakamamatay ang pagiging insecure ah! Tss.

"Hindi ka pa ba tapos?"

Halos mapatalon naman ako sa gulat ng biglang may nagsalita sa likuran ko.
Nandito nga pala sya!

Napatingin naman ako suot nya. Naimagine ko 'yong underwear ko na suot nya. OH MY!

Well, hindi ko pa naman nagamit 'yon. Kaya no worries. Pero 'yong suot nyang white T-shirt at green shorts, nasuot ko na.

"Wala ka na bang ibang alam gawin kundi ang mamula?" Lumapit naman sya kung saan banda ang aircon at ini-on 'yon.

Ang sexy nya ah! Ganyan din kaya ako kasexy tingnan kapag sinusuot ko yang mga yan?

Napansin kong tuyo na rin agad 'yong buhok nya, pero gulo-gulo dahil siguro sa paggamit nya ng blower.

At paglingon nya sa akin, nakita nyang nakatingin ako sa kanya kaya iniiwas ko agad ang tingin ko at bumaba ng kama.

"Mas delikado pa yata ako dito." narinig kong sabi nya.

Lalabas na sana ako eh kaso napatigil ako sa sinabi nya at nilingon sya.

"Ano!?" medyo pasigaw kong tanong sa kanya.

"Why are you shouting!?" medyo pasigaw din na tanong nya sa akin.

"Ano ulit 'yong sinabi mo?" tanong ko sa kanya, this time mahinahon lang.
I can't believe it! Ako? Talagang ako na ang sinusungitan ngayon?

"Sabi ko....." unti-unti syang lumalapit sa akin pero tumigil din ng mga dalawang dipa pa ang layo namin.

".....matutulog na ako." at pagkasabi nya non eh umupo na sya sa gilid ng kama ko.

Pero nakatitig pa rin sya sa akin. Bakit ganun? Napakaperpekto ng pagkakahubog ng mukha nya.
Aware kaya sya? Siguro kung ganyan ang itsura ko ngayon, ipupush kong mag-artista o kaya magmomodel ako. Hindi ko hahayaang sayangin lang ang gandang ganyan.

Pero ako na ang unang bumawi ng titigan namin at dali-dali akong tumalikod dahil baka tanungin nya na naman ako kung bakit ako namumula.

Siguro nawi-weirdohan na sya sa akin. Kasi 'yong titig nya kanina, alam kong nagtatanong 'yong itsura nya.
Like may-dumi-ba-sa-mukha-ko?

Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso ako sa kusina. Agad kong sinalinan ng malamig na tubig 'yong baso ko at dire-diretsong ininom 'yon.

Kinapa ko sa bulsa ko 'yong cellphone ko at tiningnan kung merong message.

FreyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon