ZAHARA
Papunta ako ngayon sa coffee shop kung saan kami huling nagkita ni Jeff.
Kinakabahan ako dahil naalala ko na naman ang nangyari nakaraan lang. Pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit kailangan ko pa talagang bumalik sa lugar na 'yon.Pagkababa ko sa sinakyan kong taxi, tiningnan ko ulit ang loob ng bag ko kung nadala ko ba talaga 'yong cutter. Tsk, I can do this.
Huminga muna ako ng malalim bago ako naglakas loob na lumakad at itinulak ang pintuan ng coffee shop upang pumasok.
Nakita ko na kung saan sya nakaupo. Kahit naman ganun ang nangyari, ewan, parang may natitira pa rin akong katiting na kabaitan para siputin s'ya dito. Dahil na rin siguro sa kababata ko sya at kaibigan pa sa loob ng maraming taon.
Tuloy-tuloy lang akong lumapit sa kinauupuan nya, hindi nya ako nakikita dahil nakatalikod sya sa gawi ko. At sigurado akong siya 'yon.
Nang makatapat ako sa pwesto kung nasaan siya, bigla naman s'yang napatayo at parang nagulat pa siya sa presensya ko.
Kitang-kita ko ang pagmamakaawa sa mukha niya kahit wala pa naman siyang sinasabi. Parang puno ng hinanakit ang itsura ni Jeff ngayon. Yeah, si Jeff nga ang tumawag sa akin kanina at nagmakaawang mag-usap kami.
Agad-agad din siyang pumunta sa katapat ng upuan niya para ayusin ang uupuan ko pero pinigilan ko s'ya.
"It's okay, I can." Sinabi ko yan sa kanya ng nakatingin sa mga mata niya ng diretso, bago ko hinila ang upuan.
Halos hindi naman siya makatingin ng diretso sa akin. Parang hindi na talaga siya ang Jeff na komportable kong nakakasama palagi.
Nang umupo ako, saka lang rin sya ulit umupo. Pero mukha naman s'yang nagpanic ng maalalang hindi nya pa ako inaalok kung ano ang gusto kong orderin. Lagi kasing ganun eh, dati.
"Uhh, uhmm— coff—" Magsisimula pa lang siyang magsalita ng sumabat agad ako.
"No, I don't want anything. Please, pakisabi na lang agad kung ano man ang kailangan kong malaman." Ayoko nang magsayang ng oras kasama ang taong kinatatakutan ko na ngayon.
Pumayag lang naman ako na makipagkita sa kanya dahil public place naman dito. At hinding-hindi na ako basta sasama sa kanya ano.
"Z-Zahara.." Nakikinig lang ako sa kanya habang nakatitig sa cellphone ko na nakapatong sa table.
"I— I really do love you." Hinayaan ko lang siyang magsalita, hindi ako umimik.
Pero nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ko. Agad ko rin iyong hinila dahil nakaramdam ako ng takot, naalala ko na naman 'yong nangyari.
"So-sorry, Zahara please. I need you! I want you back! Please!" Napatitig ako kay Jeff. Nagmamakaawa s'ya ngayon sa harap ko. Impit lang ang boses nya ngayon at parang gustong-gusto niyang sumigaw at magmakaawa pero hindi nya magawa.
"Yon lang ba ang importanteng sasabihin mo?" Pinagdiinan ko talaga 'yong pagkakasabi ko ng 'importante'. Para naman marealize nya na sinayang nya lang ang oras ko sa pagpunta ko dito.
"Babe, no."
Napataas ang kilay ko nang marinig ko ang sinabi niya. Akma kasing tatayo na ako para umalis.
"Babe!? What's the matter with you Jeff? Tapos na tayo." Nagsisimula na akong mainis sa kanya dahil mukhang wala talaga siya sa sarili niya ng makipagbreak ako sa kanya!
"Don't go, please. Listen to me first. I need you! I love you, babe. Let me explain."
Napasandal ulit ako at napahalukipkip na lang. Tutal nandito na rin naman ako, pagbibigyan ko na siyang magpaliwanag kung bakit niya nagawa sa akin 'yon.