CHAPTER 19

3.4K 153 8
                                    

This is for you user53342509 thanks for reading and appreciating Freyo's expressions!
>\\\\\<

ZAHARA


"Kukunin ko ang cellphone ko, sa ayaw o sa gusto mo." Sumunod ako sa kanya at pilit kong iniiwasang tumingin sa pigura nya.

Kahit na isa rin akong babae, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko lalong-lalo na sa ayos nya ngayon.

Well, hindi nakakatuwa! Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at kung ano ang magawa ko sa katawan nya.

What the-- ano na naman bang pinagsasabi ko?

"I told you! No massage, NO CELLPHONE!"

Sa halip na masindak ako sa biglang paglakas ng boses nya, nilagpasan ko lang sya at hahanapin ko kung saan nalaglag ang cellphone ko. Tumalsik yon kani---

"Hey! Freyo ano ba!?"

Nagpupumiglas ako para bitiwan nya ang braso ko. Pinigilan nya kasi ako bago pa ako makalampas sa kanya.
At nagulat talaga ako sa sunod n'yang ginawa.

Inihagis nya lang naman ako sa kama nya ng pagkalakas-lakas dahil na rin siguro sa pagpupumiglas ko. At literal na napigil ko ang aking paghinga ng makita ko kung ano pa ang mga sumunod na nangyari.

Parang napakabagal ng tagpong 'yon pero napakabilis namang naagapan ni Freyo ang paglaglag ng tuwalyang nakabalot sa kanya. I mean, tuwalyang muntik nang mahulog mula sa pagkakabalot sa katawan nya.

Wew >//////<

Mabilis nya ulit iyong ibinuhol sa gilid ng dibdib nya para siguraduhing hindi na ulit iyon mahuhulog. Psh! Wala pala sya eh, kanina halos maghubad sya sa harap ko, ngayon naman todo balot na sya sa katawan nya.

Nanghihinayang ka ba at hindi mo nakita?

At dahil sa thought na'yon, dali-dali akong napatayo mula sa pagkakatumba sa malambot n'yang kama at tumitig sa kanya.

"What?" Kalmado n'yang tanong sa akin. Nakita ko pang kumibot ang kaliwang gilid ng ibabang labi nya.

At nang hindi ako sumagot sa unang tanong nya, inulit n'yang itanong 'yon pero medyo malakas at medyo pasigaw na.

But dahil ginaganahan akong sabayan ang kasungitan n'ya, kunwari ay hindi ako apektado sa kanya.

"Can I get my cellphone?" Tinaasan ko pa sya ng kilay pagkatapos ko itanong 'yon.

"Your cellphone?" At mas lalong napataas ang kilay ko nang unti-unting naging tawa ang napakasexy n'yang ngiti. Pero hindi kasi sya hysterical tumawa eh. May poise pa rin kahit todo na 'yong pagtawa nya. Ang ganda lang pagmasdan at ang sarap sa pandinig.

Ugh! Pati ba naman pagcurve ng labi nya para lang ngumiti, ang perfect tingnan?

Okay, sobra na yata 'yong pagdescribe ko. Mukha na akong avid fan nya.

PERO TOTOO KASI EHH!!

Baka anak nga ito ng Goddess of Beauty na si Venus! Hmm. Pwede!

"What are you staring at bitch!?" Napabalik ako sa tamang wisyo ng marinig ko ang mataray na boses nya.

FreyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon