ZAHARA
*** Babylove <3 ***
Iyan ang lumabas sa screen ng cellphone ko. Nagkatinginan pa ulit kami ni Marisha at hindi rin siya kaagad nakapagreact.
Ni hindi ko maibuka ang bibig ko ni maikilos man lang ang kamay ko para kunin ang cellphone. Napasulyap pa ako kay Freyo sabay tingin ulit kay Marisha.
"Beshie, don't tell me..." parang gulat na gulat din si Marisha.
Eh bakit hindi? Ang alam niya, single ako at wala naman akong ibang kalandian buhat nong nagbreak kami ni Jeff.
Nakatingin lang rin ako sa kanya, at pareho pa kaming nagulat nang tumunog ulit ang cellphone ko.
Nataranta ako nang bigla iyong kinuha ni Marisha at sinagot.
What the fudge!Pero laking pasasalamat ko nang mali ang pagswipe niya. Sa halip na sagutin niya yung call, napatay niya.
Bigla ko ring naisip na lagot ako kay Freyo. Baka sabihin niya pinapatayan ko lang siya.
Pero mamaya na 'yon!
Anong sasabihin ko kay Isha ngayon?
"Beshie! Umayos ka! Sino' to? Bakit hindi ka nagsasabi o nagkukwento man lang? Kaibigan ka ba talaga namin?"
Oh my ghaaaad! Wala akong maisip na palusot! Sheeeet!
"Uh, uhm... Si Zeana yan! Nakalimutan kong palitan yung mga pinagkakalikot niya sa phone ko. Baliw ka ba? Sino namang ijojowa ko?" todo acting ako bes. >\\\<
Padabog niyang binalik sa akin ang cellphone ko. Muntik pang nalaglag. Oh no naman, Marisha!
"Tunay? Baka gawa-gawa ka lang ha? Sige ka, magsi-secret na rin ako sa'yo niyan pag ganyan ka!"
Hindi na lang ako nagreact.Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumayo na siya at kinuha ang bag niya. Muntik na ako doon ah. Buti hindi niya nasagot, for sure alam niya ang boses ni Freyo.
Tumayo na rin ako at pinagpagan ng kaunti ang skirt ko.
Hindi ko na muna inatupag pang i-check ang phone ko. Inilagay ko na yun sa bag at baka kung ano na naman ang makita nitong isa.
"Punta tayo mamaya sa ate ni Ynah beshie ha. Tingnan natin yung baby."
Baby...
Waaaaaaahhh! >\\\\<
Naalala ko tuloy yung kagabi.
"Uy beshie! Bakit ang pula ng mukha mo? Sabi ko punta tayo sa baby ng ate ni Ynah mamaya. Patingin nga, bakit namumula ka?"
Hinawakan ni Isha ang mukha ko ng isa niyang kamay. Piniga pa niya ang mukha ko at inilapit ang mukha niya sa akin.
"Ano ba yan besh! Baka naman magkapalit tayo ng mukha niyan! Mainit lang kaya ganyan." sabay tulak ko sa noo niya palayo at nag-umpisa na akong maglakad.
"Ang weird mo, swear! Para kang inlove na bigla-biglang nagba-blush. Parang sira! Alam mo kung hindi ka maganda, mukha kang timang pag bigla-bigla kang ngumingiti at namumula. Akala mo hindi namin napapansin yun ni Ynah?"
Tumawa lang ako at hinila na siya papunta sa building kung saan ang first class namin.
Kung ano-ano na kasi ang dinadaldal nitong babaeng ito eh.
Hmm, lusot ako doon ah!
Good mood na sana ako dahil makikita ko na si Freyo, ang GIRLFRIEND ko, kaso parang sinilihan ang buong katawan ko ng makita ko si Franklin sa loob ng room katabi niya.
