XL 2

9.6K 270 13
                                    


XL 2

"Denzel, bakit ka nagtransfer?" Tanong ni Rolan habang kumakain kami ng sundae sa isang convenience store. Yung milk tea ay nauwi sa sundae pero pwede na rin. Hindi na masama.

Actually, marami ang nagtaka sa previous school ko noong nalaman na lilipat ako. Syempre, fourth year na tapos lilipat pa? Sayang, sabi nila. Pero walang sayang doon dahil una, credited ang subjects ko at isa lang ang tine-take ko na wala sa curriculum namin dati, at basta't kasama ko si Papa, okay na ako.

"Well, nadestino yung Papa ko dito kaya lumipat din ako ng school. Wala na kasi ang Mama ko kaya gusto ko kung nasaan si Papa, nandoon din ako. We only have each other so it doesn't make sense if we waste our time being apart."

Tumango-tango si Rolan. "Ang sweet mo namang anak."

"Kailan pa ba tayo magpapaka-sweet sa kanila? Kapag wala na sila?" Sagot ko.

Natahimik si Rolan ng bahagya, tapos ngumiti ng malungkot.

"Tama ka diyan. Nung nawala yung Daddy ko, doon ko pa lang naisip na dapat pala niyakap ko siya ng mas madalas noong buhay pa siya." He said. "But anyway, lumulungkot na yung usapan. Bukas babalik tayo sa bubble tea shop ha? Sinabi mo kanina yun!"

"Oo naman!" Sagot ko. Ngumiti rin ako dahil nakakatuwa si Rolan. Sa kabila ng paninira ng ibang tao sa araw niya, he still managed to smile. Sana all.

Kinabukasan, tumupad nga ako sa napag-usapan. Medyo nakapagtataka na walang nag-uusap tungkol sa gulo kahapon at wala ring bakas nito sa social media, pero ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon dahil pabor naman sa akin.

Dala pa rin namin ni Rolan ang coupons pagpunta namin sa shop, pero ikinabigla ko noong may inabot na sticky note yung crew sa akin noong nakaupo na kami ni Rolan. Hugis puso pa talaga ito.

"Nakisuyo lang sa akin yung customer kahapon na kapag bumalik ka ay ibigay ko yan sayo." Anang crew sa akin.

Binasa ko ang nakasulat sa pink na sticky note.

CALL ME.
0912-345-6789

"Sinong nagbigay?" I asked the crew. Kung sino man iyon ay bilib ako because he has the audacity to demand me to call him.

"Yung lalaki kahapon. Yung matangkad." Sagot ng crew tapos umalis na.

Napairap ako noong na-gets ko na kung sino ang tinutukoy niya. Who else would have the guts to write me a note that orders me to give him a call? Does he still think he's a "hot item" until now? Come on. Sa school nalang siya sikat pero hindi na siya nagtu-tour at nag gi-guest sa ibang schools. Laos na siya.

"Uuwi ka na ba pagkatapos?" Tanong ni Rolan habang hinihigop ko ang pearls ng aking milk tea.

"Hindi pa. Wednesday ngayon eh, hanggang 8:00pm yung klase ko." Sagot ko.

"Talaga? May added subjects ka ba?" Tanong niya.

"Oo. Wala kasi sa curriculum namin yung Distribution Management kaya tine-take ko ngayon para makasabay ako sa graduation." Sagot ko.

"Ah. Mabuti naman at isa lang pala." Aniya. "Pero maiba ako. Kilala mo ba yung nagbigay ng sticky note? Tatawagan mo ba?"

Kilala? To some extent, I guess, masasabi kong kilala ko siya. Two years ago, he called me up to that freaking stage and serenaded me. The feeling is still fresh up to this day.

Maybe because it was my favorite song? I don't know. But one thing's for sure. It's not because I liked him. I liked the song and his rendition, but not him. He's just not my style.

My Extra Large Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon