XL 37
Lumabas ako sa silid dahil ayaw kong makita nila na medyo naluluha rin ako. I think I understood what she tried to tell Treble and that was what made me emotional. Why do people often change only when their time is almost up? Why not forgive and reconcile while young and vigorous?
Lumabas ako sa bahay at pumunta sa taniman sa likod. May mesa doon at mga upuan kung saan madalas mag-agahan at mag-tanghalian ang mga pinsan ko dahil nasanay sila sa ganoon kaysa kumain sa loob ng bahay.
Umupo ako doon at nagpunas ng mata gamit ang panyo. Stop it, Denzel. It's not worth it.
"Love..." Nagulat ako sa pagsulpot ni Treble. Sinundan niya pala ako.
"Oh, bakit ka lumabas? I thought you two were having a moment."
"She wanted me to follow you."
"Ah, so buti pa kayo... nagkakaintindihan."
Bigla siyang nag-squat sa harap ko at hinawakan ang kamay ko. I was looking down at him kasi nakaupo ako sa lumang monoblock chair.
"She's deeply sorry..." He said. "And she asked me to take care of you, kasi kahit gusto niyang bumawi ay hindi na kaya ng katawan niya."
"Oh please."
"For the record, love, hindi niyo kailangang maging okay. Hindi kita sinundan dito para pilitin kang makipag-ayos sa kaniya." He said. "I can't erase the hardships you went through because of her. Nasaktan ka niya at hindi yun agad maghihilom. But here's the thing, love. She's sorry. She knows she did wrong and she doesn't have time. Hindi ko sinasabing kalimutan mo na yung nangyari sa inyo. That's stupid. But forgive, love. Magpatawad ka lang. Forgiving is not forgetting. It's letting go of the hurt."
Pinisil niya ang kamay ko.
"It's for your peace of mind." He added. "That grudge you're holding is not making you feel any better. It's like drinking poison and expecting the other person to die."
"Treb..."
"Tulad ng pagpapatawad mo sa akin, patawarin mo rin sana ang lola mo. Because she also wants to rest in peace."
"Ate Zel!" My cousin, Princess, hollered. "Mag softfrinks daw muna kayo rito!"
Pinunasan ko ang mata ko at pinilit na ngumiti kahit papaano. Tama na muna ang drama.
"Tara, nauuhaw ako." Anyaya ko nalang kay Treble kaya pumasok na rin kami.
I was still thinking about what he said even when I was setting up the table for dinner.
"Kumakain ka ba ng tinapa?" Tanong ni Tito kay Treble.
"Oo naman po."
Napasulyap ako kay Treble na nakaupo sa sala. How can someone be so warmhearted? So kind? So forgiving and full of love?
Dumaan din siya sa phase na sinisi niya ang sarili niya sa pagkawala ng Mommy niya, but he was able to rise above it all and come out a better and stronger person.
Kaya ko bang tumulad sa kaniya? Kaya ko bang magpatawad at mag-let go?
"Kumain na tayo!" Sabi ni Tita pagkatapos kong mag-set up ng mga pinggan at kubyertos.
Umupo si Treble sa tabi ko pero tumunog ang phone ko bigla kaya napatayo ako ulit.
"Si Marie." I told him. "Kain ka lang diyan ha... sagutin ko lang ito, baka kasi emergency na naman."
BINABASA MO ANG
My Extra Large Girl [Completed]
RomanceAn extra large girl with an extra large heart and the guy who loved her imperfections Genre: slice of life | romance