XL 11"Miss, XL nga nito," saad ko sa sales lady sa department store. Pagkatapos kong lumayo sa cosmetics section ay napadpad naman ako sa mga damit, at dahil maporma 'yung nakita kong blouse ay kusang naglakad ang mga paa ko papunta rito.
"Free size po yan, Ma'am."
Pinakatitigan ko ang damit. Free size? More like Medium. Paano naman kaming mga hindi maninipis? Nakaka-frustrate kapag maganda yung design pero walang kasya sa'yo. Pero ano pa bang bago? Eh palagi namang ganyan ang eksena.
Napansin kong may mga dalagita— most likely senior high school— na nakatingin sa akin. Hawak ko pa rin pala yung damit habang nagrereklamo ako sa utak ko. I swear they looked at me like I was some pitiful woman who was being bullied by society.
Binalik ko ang damit sa rack and went on my way. Back then, I used to feel a bit sad when I get judgmental stares from people, but somehow, I got over it.
This is my body. I eat good, delicious food. Hindi ako nagpupuyat. Hindi ako mahilig sa soda. Nag cut back ako sa sweets. Kung hindi man 24 ang waistline ko at hindi flat ang tiyan ko, it's okay. It's fine. As long as wala akong sakit, hindi ko kailangang ma-insecure.
I'm not a celebrity and I don't need a flat belly to earn money. I love myself— and since Mama's passing, I learned to love myself genuinely because life is short. Imbes na problemahin ko ang bilbil ko, bakit hindi nalang ako mag-aral ng mabuti o di kaya'y maging mapagmahal na anak.
I stopped walking when I was near the supermarket. Makapag-grocery na nga lang.
"Ma'am, free taste po!"
"Ma'am may promo po kami ngayon..."
Kabilaan ang masasayang mga boses pagpasok ko sa supermarket.
Gustong gusto ni Papa 'yung nag-gu-grocery kasi dito daw ay tinatawag siyang Sir.
Sir, free taste po.
Ilan po, Sir?
I never told him this, but my heart always constricts when I see him smile at the promodisers and merchandisers who call him Sir. Parang feeling niya kasi ay kagalang-galang siya kapag ganu'n. Kaya siguro tuwang tuwa 'yun kay Treb— ano ba 'yan! Treble na naman!
Masyado siyang strategic— that sneaky human being! He kept on injecting himself into my daily activities para kahit wala siya sa paligid ay ma-associate ko pa rin ang mga bagay bagay sa kaniya. Psychological na ba talaga ang labanan ngayon?
"Excuse me, saan 'yung price verifier niyo rito?" Rinig kong tanong ng isang customer sa merchandiser na nagre-refill ng stocks ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko. Nakatitig kasi ako sa mga chocolates.
"Doon po, Sir."
"Okay. Thank you."
Tama na nga 'yang pagtitig mo sa tsokolate, hija! You're supposed to be abstaining!
"Aray putang—"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin noong nakita ko kung sino ang nakabungguan ko. Amazing, isn't it? Sabi ko pa man din ay maliit ang chansang magkasalubong kami kasi malawak naman 'yung Pampanga pero bakit...
Bakit...
"By?" Aniya.
"Ano'ng ginagawa mo dito? 'Tsaka stop calling me By. I'm not your Baby."
"Ah, sorry By...I mean Denzel," aniya. "Nandito ako para bumili ng snacks. Manunuod kasi kami ng movie."
"Sa lahat ng malls sa lalawigan, dito pa talaga, ano?" I murmured.
BINABASA MO ANG
My Extra Large Girl [Completed]
RomanceAn extra large girl with an extra large heart and the guy who loved her imperfections Genre: slice of life | romance