XL 5Bago ko pa man siya matanong kung ano ang ginagawa niya sa labas ng apartment namin ay lumabas na si Papa at nakita kami. Malapad kaagad ang ngiti niya.
"Oh my goodness, Pa. Stop smiling like that!" Saway ko sa kaniya.
I heard Treble grin like he was very much entertained.
"Isa ka pa. Wag kayong ngingiti o tatawa dahil mukha kayong adik." Sabi ko.
"Ang lupit naman ng siopao ko sa amin ng bisita niya," ani Papa. "Baka gusto mo muna siyang ipakilala sa akin?"
Makahulugan pa rin ang ngiti ni Papa, at hindi ako natutuwa. Oh please.
"Good evening po, Sir." Si Treble na ang nagpakilala sa kaniyang sarili. Inilahad pa niya ang kamay sa Papa ko. "Treble Saldana po."
"Magandang gabi din sa iyo. Napaka pormal naman at kailangan pang may shake hands?" Tumawa si Papa pero tinanggap pa rin ang kamay ni Treble. "Kaklase ka ba ng siopao ko?"
He's fond of calling me his siopao even in front of other people. Sometimes I get annoyed but when I imagine na darating ang panahon na hindi ko na iyon maririnig mula sa kaniya sa parehong paraan na hindi ko na naririnig ang mga bedtime songs ni Mama ay ayaw ko ng pigilan pa si Papa na tawagin akong ganoon.
Paki ba nila kung siopao ang tawag sa akin diba? Ipagkakaila ko pa ba na pwede akong mag model ng siopao dahil sa lusog ng mukha ko? Tanggap ko na, teh. Hindi na ako kasing sexy ng dati.
"Hindi po, Sir. Actually, nagkakilala kami two years ago." Sagot naman ng animal. Ano ba kasing kailangan niya? Ayaw kong may sumusulpot na kung sinong lalaki at nakikilala ni Papa kasi ang tendency ay palagi niya na itong hahanapin at kukulitin niya akong dalhin ulit ang taong yun sa bahay. Kagaya nalang ni...
"Tito nalang. Ang pormal naman ng Sir. Hindi naman ako propesyonal." Ani Papa.
"Ano ba naman yan, Pa. Hindi mo kailangan ng lisensya mula sa PRC para matawag na Sir. Wag kang OA diyan." Saway ko. I really hate it when my father thinks less of himself just because he isn't a college graduate or a licensed professional.
Ngumiti si Treble sa aking sinabi. Nakakatuwa ba? Sinong siraulo naman ang nagbigay sa kaniya ng karapatan na enjoyin ang mga banat ko sa tatay ko? Nakakaasar.
"Tama po si Denzel. Pero kung mas kumportable kayo sa Tito, iyon nalang po ang itatawag ko sa inyo." Sabi naman ng bwisit na si Treble. Kung makapagsalita akala mo ang galang at puno ng respeto sa katawan ano? Two-faced!
"Nakakatuwa ka naman, Treble. Halika, pasok ka. Dapat ay si Denzel ang magluluto ngayon kaso naunahan ko siya sa pag-uwi kaya ako nalang ang gumawa. Sumabay ka na sa amin sa hapunan." Saad ni Papa.
"Naku, Pa. Hindi na yan magtatagal dito. May pag-uusapan lang kami saglit tapos uuwi na siya." Sabi ko. Ayaw ko kaya siyang makasabay sa dinner, noh! Duh!
"Gusto kong matikman ang luto ng Papa mo. Hindi naman ako nagmamadali saka gutom na talaga ako. Please?"
HUWAW! Nanlaki ang mga mata ko. Did he just...
"Oo naman, walang problema! Pasok ka!" Magiliw na inimbitahan ni Papa si Treble. Wala na akong nagawa.
Tamang deep breathing na lang ako habang naglalagay ng tatlong pinggan sa ibabaw ng mesa, tatlong kutsara, tatlong tinidor, at tatlong baso.
Ito ang unang beses na may bumisita sa bahay kaya siguro medyo ganado si Papa sa pag-entertain. Although understatement na maituturing ang salitang "medyo ganado."
"Ito, specialty ko 'to. Adobong sitaw." Pagmamalaki ni Papa sa bisita. "Kumakain ka ba ng gulay?"
"Oo naman po. Paborito ko nga po 'yun. Hindi po ako mahilig sa karne." Sagot ni Treble. Ewan ko lang kung totoo yun o binobola niya lang si Papa.
BINABASA MO ANG
My Extra Large Girl [Completed]
Storie d'amoreAn extra large girl with an extra large heart and the guy who loved her imperfections Genre: slice of life | romance