XL 29
Tricky. I'm just human, made of flesh, and flesh can get weak. But no, I ain't one to say yes too easily.
"I'm touched but you need to have a lot of patience, Saldana." Sagot ko.
"I know." Aniya. "But it's fine... I can wait."
"You should."
"I will." He replied. "Pasok ka na. I won't crash for dinner because I need to talk to Dad again. I'll call you when I get home."
"Text nalang."
"If that's what you like. Go in. I'll leave once I see you go inside."
Hoy, ano 'to? K-drama? Dinadaan ako ng isang ito sa ka-cheesyhan ah.
"I'll go in, then. Ingat ka." Sagot ko at saka pumasok na sa loob.
Sinalubong ako ng mabangong amoy ng nilulutong ampalaya ni Papa.
"Uy, peyborit!" I exclaimed.
"Upo ka na, kakain na tayo." Ani Papa.
Naghugas ako ng kamay tapos umupo na. I am always thankful that I have him, I thought as I watched Papa prepare everything for me. Such a good, reliable, loving man.
Trabaho sa umaga, nagluluto pa sa gabi. I can take care of myself but he insists that he's happier when he does what he must do as a father. Kahit na hindi na ako bata ay hindi naman nagbabago ang katotohanan na tatay ko raw siya at hangga't kaya niyang alagaan ang anak niya, bakit naman daw hindi? And I got his point.
Kung magkakaroon man ako ng anak, 'yun ay kung may makapagbabago sa pilosopiya kong ayaw kong magpakasal, ay ganoon din ang gagawin ko. I'll do everything I can for as long as time allows me to.
"Pa, inabisuhan mo na ba ang boss mo?" Tanong ko.
"Medyo may problema sila ngayon anak eh, kaya hindi ko maisingit. Kapag naayos na nila yun, doon ako magpapaalam."
"Ah, ano'ng problema? Hindi ka naman damay du'n?"
"Bakit naman ako madadamay? Alalahanin mo nalang ang sarili mo riyan. Party ninyo bukas hindi ba? Anong oras kang susunduin dito ni Treble?"
"Alas dos siguro, Pa."
"Nasa trabaho pa ako nu'n. Saka ko nalang siya kakausapin kapag hinatid ka na niya pagkatapos ng party."
"Kakausapin tungkol saan?" I queried.
"Usapang lalake 'yun. Kumain ka na at nang makapagpahinga ka ng maaga."
I wonder what men talk about when they do heart to heart talks. Mala-teleserye ba ito? O nag-mamaisan lang sila?
"Pero Pa, may tiwala ka ba kay Treble?" Biglang naitanong ko.
"Oo," he was quick to reply. "Nung una ko pa lang nakita ang batang yun, naramdaman ko agad na mabuti siyang tao. Napalaki siya ng maayos. At ganoon lang naman ang gusto ko para sayo. Hindi kailangang mayaman. Basta't nirerespeto ka at tanggap ka sa kung sino ka, at hindi ka hahayaang magutom, okay na ako."
"Pa, hindi pa ako ikakasal. Bakit ang drama?" I cajoled and we both laughed.
Naghugas muna ako ng pinggan bago pumasok sa kwarto kaya halos tadtad na ako ng messages mula kay Treble pagkatingin ko sa phone ko.
Treble:
Nakauwi na ako, loveTreble:
Kumain ka na ba?Treble:
Hey?
BINABASA MO ANG
My Extra Large Girl [Completed]
RomantikAn extra large girl with an extra large heart and the guy who loved her imperfections Genre: slice of life | romance