XL 22
"Ano ako, aso?" Pambabara ko sa kaniya. Kung maka-adorable naman 'to...
"Aso agad?"
"You look at me like I'm such a cute dog."
"Ngayon mo lang napansin?" Aniya. "I look at you like you're the best person in the world."
"Utot mo." Pambabara ko na naman. "Ano bang nakukuha mo sa pambobola mo'ng 'yan sa'kin? Ikinakayaman mo ba?"
Tuwing kasama ko kasi siya ay pinapaulanan niya ako ng pambobola na para bang hindi lulubog ang araw hangga't hindi niya 'yun nagagawa.
"Hindi naman kasi pambobola ang tawag du'n." Aniya.
"Eh ano pala?"
"Telling the truth." He declared. "I'm just saying the observable reality."
Napairap ako. Corny mo, Treble. At ang mapanganib dito, unti-unti na akong nasasanay na kinukulit mo ako araw-araw. Parang nagiging routine ko na 'yung barahin ka palagi. Kapag wala ka ay parang kulang. Iritable ako at mabilis magalit.
Hoy Denzel! Masama na 'yan...
"I have to go." Tumayo ako nung naramdaman kong namula ang pisngi ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Tangina, cliché, pero na-alarma rin kasi ako sa reaksyon ng sistema ko.
"I'll go with you." Aniya. Boom, panes. Kung sa mga teleserye ay maiiwan ang lalaki sa coffee shop matapos umalis ng babae tapos paaandaran ka ng nakakaiyak na background music, pwes, ibahin natin si Treble. Kung aalis ako, sasama siya.
"Wag na," sabi ko. "Pumayag akong bumawi ka sa mga kasalanan mo pero hindi ibig sabihin nun ay araw-araw mo akong susundan."
Really, Denzel? Tulak ng bibig, kabig ng dibdib?
"Paano ako babawi kung wala ako sa tabi mo?" Aniya.
"Sus, kagabi nga wala ka—" Oops, Denzel! Saan nga kasi nahuhuli ang isda? Sa bibig?
Ngumiti siya na parang aso. Tuwang tuwa amputek. Naglakad ako ng mabilis palabas ng shop sa sobrang hiya.
"Sabi ko na nga ba na-miss mo 'ko kagabi." Aniya. "I took care of something important...but I tried to call you a million times, pramis!"
"Tss," Tumigila ako sa paglalakad. "Something important? Like what? Like going to Pandora?"
"How—"
"Nakalimutan mo na yata na sa school na 'to ay celebrity ka? People talk about you kahit sa mga group chat." Sagot ko. "Kahit wala akong pakialam sa mga ganap mo sa buhay ay kusa akong na-u-update."
"Really? But you seem..."
"I seem what?!"
"You seem upset?" Nakangisi niyang sagot. "Bakit ka naiinis?"
"Hindi ako naiinis."
"Sige nga, kung hindi ka naiinis, tignan ko ang kamay mo?"
"Ano'ng kinalaman ng kamay ko?!"
"You clench your fists when you're angry kasi nagtitimpi ka at ayaw mong makasapak." He explained. He...noticed that? Just how many little things about me has he noticed?
Ako naman itong uto uto dahil desperadang patunayan na hindi ako naiinis, inilahad ko ang palad ko sa kaniya.
"O ayan!" Sabi ko.
Napaawabg ang bibig ko nung may isinuot siya sa wrist ko. It was a cold, shiny silver thing. Bracelet?!
"What the fu..."
BINABASA MO ANG
My Extra Large Girl [Completed]
Roman d'amourAn extra large girl with an extra large heart and the guy who loved her imperfections Genre: slice of life | romance