XL 39
Hindi ko lang sigurado kung naranasan na ba ni Treble ang hindi makatulog dahil sa sobrang pag-aalala, pero feeling ko hindi pa. Kasi kung oo, he shouldn't have done that to me.
He didn't show up, and I cannot reach him either. Laging unattended. Gusto ko mang magalit, hindi ko naman maiwasang mag-alala.
Kaya unang bagay na ginawa ko pagsapit ng Lunes ay ang puntahan si Sir Marco upang magtanong. Hindi pa ako ganoon ka-desperada kahapon, kasi umaasa pa ako na baka tumawag si Treble pagsapit ng gabi, pero dahil wala talaga, sa kaniyang ama na ako didiretso.
"Si Sir Marco po?" Tanong ko sa student assistant na nasa loob ng Dean's office. Hingal na hingal pa ako sa pagmamadali ko.
"Pumunta na siya sa first class niya..." Sagot ng S.A. sa akin. "Balik ka nalang after 1 hour."
Napasimangot ako. Isang oras pa?
"Pero magpapa-quiz lang 'yon. Kung importante yung pakay mo, mag-excuse ka nalang." Dagdag niya na siyang nagpabuhay sa loob ko. Nagpasalamat ako sa kaniya matapos niyang sabihin kung saang building at classroom nagtuturo si Sir Marco.
Tulad ng sinabi ng S.A. ay nagbibigay nga ng quiz si Sir Marco. Nahihiya akong mag-excuse kaya tumayo lang muna ako sa labas pero napansin niya ako kaagad. Ako na ang pansinin. Nagkasilbi rin ang pagiging malapad ko.
"Are you okay, Denzel? You don't look too good." Saad ni Sir Marco nung nakalabas na siya ng silid para kausapin ako.
"Medyo puyat lang po..." I replied. "Uhm... magtatanong lang po sana ako kung kumusta si Treble? Hindi ko po kasi siya matawagan. Two days na..."
"Hindi ba siya nagpaalam sa'yo? He was with Sir Adolf during the weekend. May volunteer work kasi itong si Adolfo at may atraso yata si Treble sa kaniya kaya sinama niya doon. Walang signal sa lugar na 'yun, sa pagkakaalam ko..."
Walang signal? Really?
Well, I'm less upset now but I still feel disappointed kasi hindi man lang niya ako tinimbrehan.
"Kailan po siya babalik?" Tanong ko.
Napatingin si Sir Marco sa kaniyang relo. "He should be home by now. Sabi niya Lunes ang balik nila."
"Ah..." Sagot ko. "Sige po, salamat."
"Pupunta ka ba sa bahay?"
Umiling ako. "Hindi po. Okay na yung nalaman kong okay naman pala siya."
"You're upset that he didn't tell you?"
"Sir naman... Hindi naman sa ganoon..."
"Disappointed?"
"Opo. Medyo. Sana man lang sinabihan niya ako diba?" Sagot ko.
Sir Marco laughed heartily. "You kids... Naaalala ko ang kabataan ko..."
"Hindi ka rin po nagsasabi at bigla nalang hindi nagpaparamdam ng ilang araw???"
He laughed even more. "Hindi naman. But really, Denzel, I'm glad that you're worrying about Treble. If he finds out how worried you are, he'll be so pleased."
"Dapat po ay makunsensya siya! Hindi ba niya alam kung gaano kahirap yung inaalala mo kung kumusta ang isang tao?" Sagot ko at saka tumingin sa mga studyante ni Sir Marco na tila ay naging giraffe na at wagas makasilip sa answer sheet ng katabi.
"Sir, mukhang nagkokopyahan na sila du'n. Mauna na po ako. Salamat po sa oras." Saad ko. Sir Marco said goodbye as well and so I made my way to our building.
BINABASA MO ANG
My Extra Large Girl [Completed]
RomansaAn extra large girl with an extra large heart and the guy who loved her imperfections Genre: slice of life | romance