XL 28

5.6K 165 5
                                    

XL 28

I had the best sleep in what seemed like a decade. Ang sarap ng tulog ko, hindi paputol-putol, at nagising rin ako ng ilang minuto bago tumunog ang alarm.

"Good morning, bear!" I greeted the stuffed animal beside me as I recalled the events from yesterday.

Hindi talaga ako sanay mag-comfort ng tao because I never had to do that before.

When my mother died, my father put up a strong front and never cried in front of us, and my grandma... well, she expressed her pain through her anger towards me kaya I literally had no one to comfort. Lahat sila may kani-kaniyang style ng pagdadala ng lungkot at sakit, which seemed to me as though they didn't want to be comforted.

Kaya naman hindi ko talaga alam kung paano ko pagagaanin ang loob ni Treble. I might have said some lame stuff but seemed to appreciate it because he pulled me closer for a tight hug.

Hawak ko ang kamay niya kaya ginamit niya yun upang kabigin ako papalapit sa kaniya. Nagulat ako dahil nu'ng magkalapit na kami ay niyakap niya ako ng tuluyan.

For a second, I thought I forgot how to breathe.

But that's about it. Today is another day.

"Ang aga mo yatang nagising? Hindi ko narinig ang alarm mo ah." Puna ni Papa paglabas ko ng kwarto.

"Himala ba?"

"Syempre naman!"

"Walang himala, Pa. Ang himala ay nasa ating mga puso..."

"Kay aga-aga, anak, pwede ba?" He replied and we both laughed.

Kumain kami ng agahan at napag-usapan namin 'yung acquaintance party bukas.

"Ihahatid ba kita?" Tanong ni Papa.

"Hindi na siguro, Pa. Baka sunduin ako ni Treble." Sagot ko.

"Oh talaga? Mabuti naman at magkasundo na kayong dalawa?"

Well, I found out that he isn't that much of an asshole. I mean, he still is, but kind of less now  that I got to know him better.

"Mabait kasi ako at marunong magpatawad," pagmamais ko at saka tinapos na ang pag kain para makaligo at makapasok ng maaga.

The walk to school was sunny and radiant. Parang ang gaan ng pakiramdam ko at nabitin pa nga ako sa lakaran.

Wala si Treble sa gate pagdating ko pero okay lang; naglakad pa rin ako ng matiwasay papunta sa building namin at nakasabay ko pa si Jenna.

"Mukhang maganda ang gising naten ah?" She smiled.

Tae, masyado bang halata?

"Ah..." I was about to push the panic button when Rolan arrived and walked along with us.

"Hi, Denz!" Bati niya, sabay tingin kay Jenna, medyo naguguluhan. Pinakilala ko naman agad si Jenna bilang kaklase ko sa added subject ko na Distribution Management.

"Hi Jen... You can call me Rolan, kaklase ko si Denzel sa lahat ng subjects ko except dun sa subject kung saan mo siya kaklase." Rolan smiled and Jenna returned the gesture.

"Nabalitaan niyo na ba? Marie got herself into trouble again." Rolan reported.

"Ha? Bakit?" Tanong ko.

"Apparently, may nakakita sa kaniya sa Clark, kasama ang isang lalake and they were seen entering a hotel."

Ay patay.

My Extra Large Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon