XL 21

5.7K 162 4
                                    


XL 21

Hindi tumitigil sa pangangalabit ang kunsensya ko habang nasa klase. Lalo na dahil nu'ng tinanong ko si Rolan kung kilala niya si Sir Adolfo ay napa-ismid siya at sinabing, "Engineering ang course ko dati, pero napalipat ako rito dahil sa diktador na 'yun."

Kaya naman pagkatapos ng klase ay nilapitan ko si Marie.

Ikinwento ko sa kaniya 'yung bumabagabag sa isip ko. Not that we're already close or anything, but she was the one we rescued and therefore, kailangan niyang isalba si Treble.

"Ano daw ba ang ginawa kay Treble?" Tanong niya.

"Huh? Hindi ko pa alam pero..."

"Natatakot ka na baka kung ano'ng gawin ni Sir Adolfo kay Treble? Wag kang mag-alala. Walang mangyayaring masama du'n." Sagot ni Marie. '"Bakit pala ganu'n? Nag-aalala ka naman pala sa kaniya pero pag nandiyan siya ay nagsusungit ka."

"Ayoko lang nang ganito. How can I hate him to the maximum when my conscience is telling me that I have to take responsibility if something happens to him? May malaki siyang kasalanan sa akin pero paano naman ako magagalit ng husto kung ganyan..."

"Oo sige, ako na ang kakausap kay Sir. Chill ka lang." Ani Marie. "You can hate him as much as you want. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Sir. Ako naman talaga ang dahilan ng lahat..."

"Surprisingly, nakakakunseya ka!" Reklamo ko.

"Sus. Samahan mo nalang ako sa faculty. Magpapaliwanag na ako kay Sir para matahimik ka." Aniya, medyo natatawa. "You have a funny way of showing how much you care..."

Care? Hindi 'yun care. Ayaw ko lang ng may pinapasan 'yung kunsensya ko.

Sinamahan ko si Marie na pumunta sa faculty. Itinuro niya sa akin kung sino doon si Sir Adolfo. He's a man of small stature, his hair was very neatly combed to one side—na parang dinilaan ng kalabaw—and his facial expression tells me that he's not having a good day.

"Mukhang wala siya sa mood," kumento ko. Should we just come back when he's a little more...relaxed?

"Ganyan talaga ang itsura niyan." Tumawa si Marie. "Tara na."

Uy ah, ang hirap yata nu'n. Dinaig pa ang resting bitch face.

I was actually very impressed when Marie talked to him. I was literally just standing in the corner of the room, nakikinig sa kanilang pag-uusap. Marie was elected president for a reason. Maarte man siya magsalita at mahilig mambully—dati—ay hindi ko maikakaila na marunong siyang makipag-usap sa mga nakatataas. Diplomatic.

Parang ibang tao 'yung pinapakinggan kong nagpapaliwanag.

"I was rudely interrupted in my discussion but if he was able to help save a life then I'll keep his punishment to a minimum." Sir Adolfo finally said.

Meron pa rin? Ano naman kaya iyon?

"You may go." He added. "Mr. Saldana and I will take care of our business. You do not need to get involved."

"Noted po. Salamat, Sir. Good day."

Lintek yun ah. Akala ko matatahimik na ako pero hindi pa pala. I will still be wondering what kind of punishment he would give Treble.

"Chill ka lang! Maniwala ka sakin, Treble will be fine." Marie assured me.

Habang naglalakad kami ay napansin namin na may ganap doon banda sa College of Home Economics.

"May some kind of celebration yata 'yung HRM ngayon?" Saad ni Marie. "Mukhang maraming booth. Silip tayo bago bumalik sa building natin."

I thought I needed the diversion anyway so I just nodded.

My Extra Large Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon