XL 33

5.4K 149 3
                                    

XL 33

Dalawang araw na ang lumipas mula nu'ng party, which means dalawang araw ko na ring hindi nakikita si Treble. Nagti-text naman siya pero hindi siya tumatawag, which is okay because I don't want to know how much it would affect me once I hear his voice. Baka pauwiin ko siya at baka sundin niya ako. Nakakatakot.

"So ano na 'yung status? Mukhang hindi na one-sided ah?" Pangungulit ni Rolan habang nagpapalipas kami ng oras sa tea shop kasama si Jenna.

"Pwede bang wag natin 'yang pag-usapan?" Sagot ko.

"Bakit naman? Kasi namimiss mo siya 'no?"

"Timang. Hindi lang talaga ako kumportable na pag-usapan 'yun. I've never talked to anyone about my love life—"

"So sayo na mismo nanggaling na LOVE LIFE nga ito..." Pang-aasar ni Rolan na siyang sinuportahan naman ni Jenna sa pamamagitan ng kantyaw.

"Guys, ano ba..." I groaned.

"Ganito nalang," Jenna said. "If you are to rate how much you like Treble, in a scale of one to ten and ten being the highest, how would you rate it?"

"Grabe, teh, pang talk show ang level ng tanungan!" Kumento ni Rolan. Baklang 'to.

"Well," I paused. "I won't deny that he's kind and he listens to what I say, so maybe an 8?"

"8 lang?" Untag ni Rolan. "Saka 'yun talaga 'yung reasons? Dahil kind at sinusunod ka?"

"Ano ba dapat ang hinahanap natin sa isang tao? Hindi ba 'yung mabuti ang ugali at marunong rumespeto sa gusto natin? Bonus nalang 'yun kung gwapo o maganda..." I explained.

"Sabagay, may point ka." Sabi ni Jenna.

We were almost done with our bubble tea when my phone started ringing. Nasa mesa ito kaya kita naming tatlo kung sino ang tumatawag.

"Sino si Kitkat?" Tanong ni Rolan at Jenna nang sabay.

"Ah, si Kit." Sabi ko at saka sinagot na ang tawag dahil baka hindi ko na naman maabutan at maging missed call.

"Hello?" Bungad ko.

"Denz, pumasok ba si Marie kanina?" Tanong niya.

"Hindi eh. Nag-text ako sa kaniya kung bakit siya absent pero hindi pa siya nag-rereply eh." Sagot ko.

"Nandito kasi ako sa kanila, pero wala siya. May idea ka ba kung saan siya pwedeng magpunta?" Nag-aalalang sabi niya.

One place comes to mind— 'yong hotel na pinagtatrabahuan niya sa Clark. Sabi niya ay hindi pa siya nagki-quit doon kaya maaaring nandoon siya. But the problem is... am I allowed to divulge that information to Kit?

"Wala akong idea eh..." I lied. "...pasensya na."

"Kung sakaling magreply siya sa'yo, sabihan mo ako kaagad ha?" Aniya.

"Oo, sige. Pero may nangyari ba? Bakit mo siya hinahanap?"

"Tinatawagan kasi siya ng Tita niya pero hindi ma-contact. Nasa ospital daw kasi ang Mama niya."

Parang may balisong na tumarak sa puso ko sa narinig. It was as if I was being transported to the past— that time when my own mother was struggling between life and death. Ganitong ganito, nasa ospital si Mama, habang ako nama'y abala sa sarili kong problema. I don't want the same to happen to Marie. Ayaw kong magsisi siya gaya ng nangyari sa akin.

"Sige, Kit, tatawagan kita kapag na-contact ko siya." I told him and then ended the call.

"Ano daw?" Tanong ng dalawa kong kaibigan.

My Extra Large Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon