XL 27
This is it pancit.
I looked around the restaurant for the nth time. Lagpas sampung minuto na akong naghihintay at nababagot na ako. Pinili ko pa man din kung saan walang masyadong tao para kahit buhusan ko siya ng tubig ay hindi gaanong agaw-eksena at wala masyadong ma-istorbo.
I looked at my phone again. Ano ba 'yan. Nagugutom na ako.
"Should I order?" Bulong ko sa sarili ko. Maybe not, kasi panigurado ay nag-eexpect si Treble na kakain kami ng dinner mamaya.
Kaya uminom nalang ako ng tubig at naghintay. Jared said he would come, pero mukhang pinaasa lang ako ng isang 'yun ah.
Lumipas ang isang oras. Nag-message na ako at lahat pero hindi siya nag-o-online.
Tumayo ako. That's it. I'm not going to wait for some rubbish like him.
Screw that damned closure! Ako nalang ang magbibigay nu'n sa sarili ko!
Lumabas ako sa resto at tinext si Treble na puntahan na ako. He replied "Papunta na, love" kaya naglakad-lakad muna ako sa mall para hindi mainip habang naghihintay.
Mas nakakagana maghintay kung alam mong siguradong sisiputin ka. Lintik! Tangina talaga nitong si Jared. Lakas mang-indian.
Pumunta ako sa Booksale at tumingin nalang muna ng mga libro. This is really a happy place for a bookworm like me. Kung mas biniyayaan lang siguro ako ng mas marangyang buhay, nakapagpagawa na ako ng sariling library sa bahay.
I texted Treble to inform him na nasa Booksale ako para dito nalang niya ako puntahan tapos bumalik na sa pagtitingin ng libro. Sana manalo ako ng libro sa acquaintance party. Sana kahit isa man lang sa mga tanong ay masagot ko. Yun lang pa man din ang pakay ko kaya ako a-attend.
Binitawan ng babaeng katabi ko ang librong hawak nang may tumawag sa kaniya sabay labas ng store. Tinignan ko kung ano'ng libro 'yun.
I've Got Your Number by Sophie Kinsella. Nabasa ko na 'to nu'ng nakatengga ako sa bahay. Books helped me get through the day. Kung wala akong mga librong binabasa nu'ng mga panahong 'yun ay baka sumunod na ako kay Mama.
"You seem to be in a good mood," Treble's voice got my attention.
Aba ang bilis naman niyang nakarating?
"It's because I'm surrounded with books. Kung alam mo lang kung gaano ako kabanas ngayon dahil hindi ako sinipot ng lintek na 'yun..."
"I feel relieved for some reason, though..." He smirked.
"Tuwang tuwa ka na hindi niya ako sinipot?" Nagsalubong ang mga kilay ko. "Bakit pala ang bilis mo? Kaka-text ko pa lang sa'yo ah."
"Kanina pa ako nandito." Sagot niya, sending the butterflies in my stomach on a riot. "Are you hungry? We should get something to eat. There's nothing food can't solve."
Treble sure knows how to make me feel better. I'm actually grateful that he's always there when I need him. Para siyang linta na nakadikit sa akin kaya naman nung una ay nairita ako— hindi kasi ako sanay sa ganu'n. Sanay akong mag-isa. Pero kalaunan ay mas naging kumportable na ako na nandiyan siya. He's so reliable; it actually scares me sometimes how much it would affect me when he's not there.
Lalo na't mag-uumpisa na siya sa OJT pagkatapos ng acquaintance party.
We agreed to eat chicken wings and it's nice how we always agree when it comes to food. We casually talked about stuff like movies, books, and hobbies when my phone received a notification.
BINABASA MO ANG
My Extra Large Girl [Completed]
RomanceAn extra large girl with an extra large heart and the guy who loved her imperfections Genre: slice of life | romance