XL 13

6.5K 191 13
                                    

XL 13

Treble is trouble.

Para siyang naglalakad na disaster na naghihintay lang ng tamang panahon para mameste. At dahil panay siyang nasa loob ng aking area of responsibility ay malaki ang posibilidad na kapag nanalasa siya ay mawawasak talaga ako ng tuluyan.

What an analogy, right? But yes, reality can be that cruel.

Limang beses nang nagpalit ang kanta sa background nang dumating si Marie sa cafeteria...mag-isa.

Masyado akong nasanay na nakikita siyang napapaligiran ng kaniyang mga alipores kaya ngayong mag-isa lang siya ay parang nakaramdam ako ng kaunting habag para sa kaniya.

I know how it feels like to lose friends, pero sa tingin ko ay mas masakit mawalan ng pekeng kaibigan. Kasi napakalaking sampal nu'n na simula't sapul pala ay mag-isa ka naman talaga. Nandiyan lang sila physically pero hindi ka naman talaga tinuring na mahalaga.

"Marie, dito!" Napatingin ako kay Rolan dahil sa pagtawag at pagkaway niya kay Marie...tulad ng ginawa ni Treble kanina sa akin.

Pinagtinginan ako kanina, tapos ngayon naman ay pinagtitinginan rin si Marie. That's the thing about society— they will always criticize. Kaya dapat ay huwag nang pansinin kahit parang laser 'yung mga titig nila, tutal hindi ka naman nila pinapakain.

Ganoon ako. Wala akong pakialam sa tingin ng iba. Kung makakaiwas ako sa kritisismo, edi okay. Pero kung hindi, okay lang din. I can manage. But not Marie.

Nasanay siya na maganda ang image. Sikat...kuno. Maraming kaibigan. Girlfriend ng member ng volleyball team. Lahat iyon ay ginawa niyang trophy and she built her world around that trophy.

That's why when she lost it, it's as if her world collapsed too and she totally lost herself.

That's the danger of wanting to please everybody. That's the price you have to pay for putting on a facade just to avoid criticism and to be accepted by society.

"Hala, bakit siya umalis?" Rolan said with a frown when Marie turned around and left.

"She can't take all those judgmental stares, Lan. Let her be." Sagot ko.

"Edi parang inamin na rin niya na totoo lahat ng akusasyon nila."

"Pwede, at pwede ring hindi." Sagot ko. "Hayaan na natin. Buhay niya 'yan."

Rolan shrugged his shoulders and drank his soda.

"Sabi nila buntis daw 'yun," rinig kong saad ng isang estudyante sa kabilang mesa doon sa katabi niya.

"Oo daw! May nagsasabing kay Kit daw 'yung bata pero may mga nagsasabi naman na sa sugar daddy daw niya 'yun!"

Padabog kong inilapag ang lata ng soda sa mesa. Hindi kami close ni Marie para ipagtanggol ko siya sa mga chismosang nakiki-comment sa buhay niya pero ewan ko ba kung bakit badtrip na badtrip ako sa mga naririnig ko.

"Tara na," saad ko kay Rolan at saka tumayo. "Baka mapaaway pa ako dito."

"Mabuti pa nga."

Umalis na kami sa cafeteria at napansin ni Rolan na medyo naasar ako.

"Ayos ka lang ba? Wag kang masyadong paapekto sa mga 'yun..."

"Kasi naman eh," I whined. "Alam kong maraming kabalbalang ginawa si Marie, lalo na sa'yo doon sa tea shop, at sa akin noong inatake niya ako dahil lang kasama ko si Kit. Well, she pretty much grabs every opportunity she gets to insult me pero nakakarindi lang talaga 'yung mga taong kung makapagcomment akala mo napakalilinis."

My Extra Large Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon