XL 43
I felt really angry. Nagtagal ang emosyon na iyon ng ilang oras pa bago ko naramdaman na naiiyak na ako. Napakahirap. Napakasakit.
Napagdesisyunan kong tawagan si Sven. I had to ask him which hospital Treb is admitted, para mapuntahan ko. Hindi ko inaasahang magka-crack ang boses ko pagkarinig ko sa "Yo! Bakit?" ni Sven sa kabilang linya. Minsan talaga mababaw lang ako at nagiging emosyonal lalo kapag may karamay.
"Nasaang hospital si Treble? Kailangan ko siyang makausap." Prangkang saad ko kahit pa basag na ang boses ko, nanginginig.
"Wait up, if you tell me what the problem is—"
"SVEN!! PLEASE!!" I cried. I don't have the strength to explain.
"Shit, fine. I'll send you the details. Lagot ako neto, pero ano pa bang magagawa ko!"
"Thank you, Sven. Salamat talaga. At pasensya ka na rin."
"Pasensya saan?"
"I used to have an ill impression of you. Hindi ko talaga nagustuhan ang dating mo noon. Mayabang ka rin magsalita at nakakagago yung mga sinabi mo dati, pero napaka-loyal mong kaibigan kay Treble. At naging mabuti ka din sa akin. Kaya salamat at pasensya ka na..."
"Hala," he chuckled. "Ayos lang yon. Are you going to meet him?"
"Oo sana."
"Okay, ingat."
"Salamat ulit."
Hindi ako nagsayang ng oras. Naligo ako ng mabilisan at nagbihis. Alas tres pasado na ng hapon nu'ng nakarating ako sa ospital. Nagtanong ako sa nurse station pero ang sabi nila sa akin, bawal daw tumanggap ng bisita si Treble.
Parang gusto kong magpapadyak doon.
"Pero may bisita siya kahapon!" I contested.
"Bagong order lang po ito ni Doc." The nurse replied. No, stop lying. It's not the doctor's order, but Sofia's.
"Saglit ko lang siyang kakausapin. Please." Saad ko. "Kahit na orasan niyo pa ako."
"Pasensya na ma'am, hindi po talaga pwede. Kami naman ang mapapagalitan." Aniya.
Napabuntong-hininga ako. Maagap si Sofia. Kapag sinabi niyang hindi na ako makakalapit kay Treble, hindi na talaga siya nagpatumpik tumpik pa at umaksyon kaagad. I guess I'll have to find another way.
Pumunta ako sa hardin ng ospital para magpahangin at mag-isip ng ibang plano. Kung nasa isang palabas ako na hitik sa gasgas na galawan, siguro ay nakakuha na ako ng uniporme ng isang cook dito sa ospital upang makapag-disguise ako at makapasok sa kaniyang silid. I laughed at my thoughts. Nababaliw na yata ako. Syempre hindi ko iyon gagawin.
I sat there for hours. Hindi ko man lang napansin na ang tagal ko na doon.
Shit, Denzel. Mag-isip ka. Use your kokote! Ang unfair naman kung susukuan mo lang si Treble dahil pumapagitna ang kaniyang stepmom sa eksena.
I closed my eyes. Hay, ang init. Kahit nakapikit ako, ramdam ko ang liwanag ng papalubog na araw na tumatama sa mukha ko. Clear your mind, Denzel! Think! Ayan, hindi na gaanong mainit.
Teka, bakit hindi na?
I opened my eyes and saw a tall person blocking the sun's merciless heat.
"Ang lalim naman ng iniisip mo. I hope it's me you're thinking about." His voice was enough to make me jump to my feet. Even without looking at his face directly, I knew it was him. I put my arms around him for a hug.
BINABASA MO ANG
My Extra Large Girl [Completed]
RomanceAn extra large girl with an extra large heart and the guy who loved her imperfections Genre: slice of life | romance