XL 34

5.8K 156 4
                                    

XL 34

One of the dangers of having nothing to lose is that you just grab any opportunity without much thought. I mean, pinag-isipan ko, ng slight, mga two seconds ganu'n, but I was too delighted that we didn't have to commute that I immediately agreed without weighing the possible effects of my end of the bargain.

Pero isinantabi ko lahat 'yun. Inalalayan ko si Marie sa pagkuha ng gamit niya bago kami pumunta sa amin para ako naman ang kumuha ng gamit.

Nagulat si Marie nu'ng dumating si Sven at inalalayan kami sa mga bags kahit hindi naman yon madami at mabigat. Nu'ng na-secure na ang mga gamit ay sumakay si Marie sa back seat at ako naman sa front passenger seat.

I know that helping Marie is more like an atonement on my part, to make up for what I wasn't able to do for my own mother. Kahit papaano ay gagaan ang pakiramdam ko kung mailalayo ko si Marie sa sakit na katulad ng dinanas ko.

The ride to Manila though, was a pain in the ass. Muntik pa akong masuka. Mabuti nalang at nakarating kami bago bumulwak lahat ng laman ng tiyan ko.

"Kailan kayo uuwi?" Tanong ni Sven pagbaba namin.

"Kapag na-discharge na yung Mama niya." Sagot ko. "I'll pay for your gas kapag nakaluwag-luwag."

"No need. Just keep your end of the bargain." Aniya. "Babalik na ako. Make sure to tell your dad and Treble about this."

"Opo, Ser!" I gave him a salute. "Ingat!"

"Tss." He smiled and then drove away. Such an odd yet reliable person.

Marie and I then went to the hospital room where her mother was admitted, and for a second I felt like I couldn't come inside. Nanigas ako sa harap ng pinto pero hinawakan ni Marie ang braso ko at marahan akong hinila papasok.

Nakita kami ng Mama niya at hindi na nito napigilan pa ang kaniyang mga luha. Kung dumating din ako nu'n, siguro ay iiyak rin si Mama?

Siguro ay nayakap ko siya bago man lang siya namahinga?

Siguro...

"Tatawag lang ako sa bahay..." Palusot ko kina Marie para makalabas muna at doon ako umiyak.

I hated that my grandmother blamed me for my mother's death, but I can't deny na nagkulang din ako nung mga panahong yun. I could have done better.

Sorry, Ma. I'm so sorry...

Kinalma ko ang sarili ko nu'ng may nurse na dumating. Pumasok siya sa loob at sumunod naman ako. Kinuhanan niya ng BP at pati na rin temperatura ang mama ni Marie.

"Ang ganda naman po ng mga anak niyo, Nay." Saad pa ng nurse sa matanda. Marie's mom just smiled weakly and did not saying anything about it. Hinayaan niya lang ang nurse na isipin na anak niya rin ako pero tae naman, mukha ba kaming magkapatid ng Marie na 'to?!

Later that night, I got the chance to call Papa to explain what happened. He was silent for a moment but he did not reprimand me for making rash decisions. Ang sabi pa niya ay proud siya sa akin dahil sa mga kabutihang ginagawa ko para sa kaibigan.

Tinawagan ko rin si Treble pero hindi niya sinasagot kaya nag-iwan nalang ako ng text message. I informed Kit too and thought he would immediately follow us here. Balak ko kasi sanang umuwi na agad kapag nandito na siya.

But Friday came and Kit did not arrive. Sabado na nu'ng nakapag-reply siya at doon ko pa lang nalaman na may championship game pala sila kaya hindi siya nakapunta.

It was already Sunday when he arrived and I took the bus back home that afternoon because I was worried that Papa might not be too happy about me being gone for almost three days. Baka ipa-canonize niya na ako sa sobrang kabaitan ko.

My Extra Large Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon