XL 42

5.1K 205 6
                                    

XL 42

Does Treble know? Iyon ang sumagi sa isip ko pagkatapos kong patayin ang mobile data. I don't really want to be the first one to call but I have to know if he had read the posts. I have to know his reaction.

I opened my call log and tapped on his number. One ring... Two rings... Three rings...

He's not picking up.

At dahil hindi ako pasensyosang tao, suko na ako. Try ko nalang ulit kapag lumamig ulo ko.

Habang naglalakad ako pauwi, madadaanan ang school at kahit gaano ako ka-cool about my appearance, their scornful stares and deadly glares are starting to pierce through my skin.

It's starting to hurt. It's starting to make me feel insecure and ashamed of myself. I hate this. I know I shouldn't be feeling like this because once I crumble down, sila ang mananalo, pero ang hirap tumayo ng tuwid kung binabaril ka nila sa paa. I feel so weak.

Hindi na ako nakatiis. Tinawagan ko ulit si Treble. I have high hopes na kapag narinig ko ang assurance mula sa kaniya, aayos itong puso't utak ko at makakayanan kong tawanan lahat ng masasakit na salitang binabato nila sa akin.

One ring... Two rings... Three rings... Four... Dammit! Nagri-ring naman! Bakit hindi niya sinasagot?!

Ano ba ang pinagkakaabalahan niya? Or did he... already read the post kaya niya ako iniiwasan? Akala ba niya'y nag-eentertain ako ng ibang lalaki kapag hindi ko siya kasama? Sagad na sagad na disappointment ang mararamdaman ko kung ganoon nga ang iniisip niya.

Nagpasya akong si Sven na ang kulitin. I have to exhaust all means possible to get to talk to Treble.

"Yo!" Bungad ni Sven.

"Alam mo ba kung nasa'n ang kaibigan mo? Hindi niya kasi sinasagot ang mga tawag ko." Saad ko.

"Sino sa mga kaibigan ko ang tinutuko—"

"SVEN!"

"Fine, fine! I promised Treb I won't tell you pero takot ako sa'yo e, parang ipapakulam mo ako! Fine! Nasa ospital kami. Binabantayan ko siya habang nagpapahinga."

"Anong ospital?! Bakit?! Anong nangyari?!" Kaya naman pala missing in action siya ng ilang araw na!

"Ano, wala naman... nag therapy lang tas eto... uhm, pahi-pahinga lang. Ayaw niya lang pasabi kasi baka mag-alala ka daw. Bawal siya mag phone sa ngayon kaya naka-silent lang yon at nakatago."

"Sigurado kang ayos lang siya?!"

"Oo naman! Ayaw niya lang talaga na mag-alala ka o maabala ang pag-aaral mo. Alam niyang malapit na ang defense niyo. Focus ka lang diyan. Kapag nakalabas siya dito, sa'yo din naman 'to babalik."

I frowned. "Ayun na nga e. Di ko alam kung anong mangyayari samin once he reads about the posts on socmed. Worse, baka ika-stress niya pa!"

"The truth will always prevail, kaya kapit ka lang diyan. Tumawag pala si Tita Sofia kanina, wala daw kasi siyang number mo. Kapag di ka daw busy, puntahan mo siya. May sasabihin daw siya sa'yo."

Right! Yung post tungkol sa PT kit. Naka public iyon kaya malaki ang chance na nakita niya rin iyon. She could help me clear my name! Tutal ang kit na iyon ay hindi para sa akin kundi para sa kaniya! If she just testifies for me, the issue about the first post will be resolved. Yung kay Henry, kaya ko namang depensahan iyon.

"Sige, puntahan ko siya ngayon." I told Sven before saying goodbye. Nang matapos ang pag-uusap ay tumungo sa sakayan upang puntahan si Tita Sofia sa bahay nila.

My Extra Large Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon