XL 4
Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako dinadalaw ng kunsensya ko minsan. I know he did me wrong in the past but I can't stop thinking na naitulak ko siya ng ganoon kahapon. That was so unlike me.
"Friday na, Denzel. Dapat ganado ka na." Saad ni Rolan na katabi ko. Panay ang bulong niya kahit may prof, na hindi ko naman pinapansin kasi marami akong iniisip.
"Gusto mo bang mag videoke bukas? May discount card ako sa Karaoke Hub!" Excited pang sabi niya.
"Sorry ah? May gagawin kasi ako bukas." Sagot ko, pabulong. "Treat nalang kita ng milk tea mamaya, okay ba?"
"Sige!" Masayang sagot niya at saka umayos na ng upo.
Tahimik si Marie ngayon, hindi ko alam kung pagod yung bunganga niya o ano, pero talagang wala siyang patutsada magmula kaninang umaga.
Sana ganiyan siya araw-araw, baka ilibre ko pa siya ng milk tea at isama sa mga weirdong trip namin ni Rolan sa buhay. Since she seems weird in her own way anyway.
"Milk tea! Milk tea!" Rolan happily chanted as we marched to the same shop after class. Nagustuhan kasi namin yung creampuff nila kaya kahit na naaalala namin yung eksenang naganap dito ay okay lang, all for the sake of satisfying our taste buds.
Umupo kami sa same spot as last time, tapos napansin kong nakaupo rin sina Sven sa may sulok. Strangely though, hindi nila kasama si Treble.
"Kanina ka pa sulyap ng sulyap doon ah? May hinahanap ka ba?" Puna ni Rolan minutes later.
"Wala, may iniisip lang ako." Maagap kong sagot. Tanga ka na kung hahanapin mo pa siya, Denzel.
Pero lintik! Nababagabag talaga ako. Hindi naman siguro siya nasaktan o nasugatan o nabalian ng buto dahil sa ginawa ko diba? Malakas naman siya. Kalalakeng tao, ang tangkad tangkad. Unless lampa pala siya IRL. In real life.
"Ano naman ang iniisip mo?" Tanong ni Rolan.
"Ahm..." Come on, Denzel. Think. "Yung susunod na chapter ng sinusulat ko. Nag-iisip ako ng conflict."
"Ahh. Bakit hindi ka sumali sa school paper?" Biglang tanong ni Rolan. "Mahilig kang magsulat diba?"
"Hilig lang." Sagot ko. "Hindi ako game sa mga tipo ng pagsusulat na may standards, guidelines, deadlines, and such. Ayaw ko na dinidiktahan ako sa dapat isulat, paano isusulat, kailan tatapusin, anong hindi dapat sabihin..."
"Sabagay." Pagsang-ayon niya. "Kaya hindi lahat ng hobby or passion natin ay kailangan maging profession."
Tumango ako. I couldn't agree more.
Magaling kumanta ang Mama ko noong siya'y nandito pa. Sabi sa akin ng mga tao noong bata pa ako ay namana ko daw iyon pero hindi ako naniniwala. Anyway, magaling talaga si Mama. Pero hindi ibig sabihin noon ay gagawin niya ng career ang pagkanta.
She was an English teacher when she was still healthy and she loved her career as much as she loved singing.
Thinking about her still hurts me, especially when I remember where I was during her final moments. Nabubuhay ang galit sa katawan ko. I think I'll always be angry at myself and at the people whose actions led me to the saddest loss in my life.
My phone vibrated, pulling me back to the now. Sinilip ko ang notification at na-excite kaagad noong nakita kong alert ito na may nag-comment sa libro ko online.
How do I explain how it makes me feel kapag may notification akong natatanggap tulad nito? It's like receiving a gift and feeling so excited about what is inside, but at the same time feeling scared that it could be something negative, like a bomb or a voodoo doll.
BINABASA MO ANG
My Extra Large Girl [Completed]
RomanceAn extra large girl with an extra large heart and the guy who loved her imperfections Genre: slice of life | romance