XL 19
May mga taong naniniwala na kung ano ka, ganon ka na talaga. Lalabas at lalabas din daw talaga ang iyong naturalesa, at malabong magbago ang isang tao at iwanan ang nakasanayan. Old habits die hard, or maybe old habits never die at all.
I beg to differ. I think I've seen enough changes about myself and the people around me to believe that people can change. Kung mabuti ka dati, pwede kang maging masama ngayon and vice versa. Oo, naniniwala ako na ang mga masasama ay pwede ring magbago.
Though I'll be lying if I say that I'm not surprised by Marie's sudden change of heart.
Naupo kami ni Marie sa bleachers ng gymnasium. Tapos nang mag-ensayo ang mga miyembro ng basketball team kaya iilan na lang ang naiwan upang maglinis. Okay lang daw na mag-stay kami ni Marie kung kailangan naming mag-usap.
"Orange or lemon?" Tanong ko kay Marie habang pinapakita ko 'yung carbonated drinks in can na hawak ko.
"Lemon," she replied. Binigay ko sa kaniya iyon at saka ako umupo sa tabi niya.
Nabalot kami ng katahimikan. We were never close to begin with, kaya mahirap sa amin ang mag-engage sa isang matinong conversation. But somehow, one of us had to break the ice.
Huminga ako ng malalim.
"Ayos ka na ba?" Tanong ko.
Tinignan niya ako, parang naluluha siya. This is epic! Kung hindi lang talaga weird na kuhanan ko siya ng video ay ginawa ko na.
"Napano ka?" Tanong ko. "Ba't ka naiiyak?" This is so unlike her. "Sigurado ka bang hindi ka buntis? Emotional daw yung mga buntis—"
Napangiti siya at napailing. "Hindi ako buntis. Bwisit talaga 'yung Danica na 'yun."
"O, hindi naman pala totoo. Bakit ka umiiyak?" Sabi ko.
"Wala eh. My cover was blown. Paano pa ako magpe-pretend ngayong alam mo na halos lahat ng sikreto ko?"
"Nakakaiyak ba 'yun?!"
"Syempre! Ayaw na ayaw kong ipakitang vulnerable ako."
"Sino ba'ng may gusto?" Sagot ko na ikinagulat niya. Tinignan niya ako. Parang naiisip niya na, oo nga ano? Sino nga naman ba ang gugustuhin na ipakita ang kahinaan nila?
"May weakness tayong lahat." I went on. "And we'd rather have it concealed, right? Kasi ayaw nating mapintasan, tuksuhin, pagtawanan. Pero naisip mo rin ba? Na ang weakness ay hindi dapat ikinakahiya o tinatago kundi ini-improve para maging strength?"
"Paano mo naman gagawing strength yung kahirapan sa buhay? Aber?"
Napairap ako. Minsan pala ay pumapalya din ang utak ng isang ito.
"It's not poverty itself that becomes the strength, but the values, lessons and fortitude that you got from the experience. Yun ang magiging lakas mo, gaga. Kapag umangat ka na sa buhay, yun ding mga natutunan mo ang aangkla sayo para hindi ka mapariwara ng landas."
Damn. Was that me talking or was I possessed by the spirit of a great philosopher? It's funny how I know the concept but fail to apply it in my own life.
"You seem like you know a lot of things. Bakit hindi mo man lang pinagtanggol ang sarili mo kanina? Napilitan pa tuloy ako na makisabat." Aniya. Natigil na rin siya sa pagluha.
"Lahat ba ng kanto ay kailangan hintuan ng jeepney driver? Mali-late ang mga pasahero niya kung ganun! Gets mo? Hindi lahat ng tao o sitwasyon ay papatulan mo. Pipiliin mo lang kung alin yung may maidudulot na maganda sayo. Kung driver ka, du'n ka lang hihinto sa kanto na may pasahero, o kung saan may bababa."
BINABASA MO ANG
My Extra Large Girl [Completed]
RomansaAn extra large girl with an extra large heart and the guy who loved her imperfections Genre: slice of life | romance