I just tried to do a draft but this is becoming so fun!!!XL 3
"Bakit parang badtrip yata ang siopao ko?" Tanong ni Papa habang kumakain kami ng hapunan.
"Nananahimik ako sa school Pa eh, pero pilit nilang binabasag yung pananahimik ko." Paliwanag ko.
"Gusto kong sabihin na ipaglaban mo ang sarili mo pero ayaw ko rin, kasi alam kong kapag ibinalik mo yung ugali mo noon ay baka hindi ka makatapos ng kolehiyo." Bumuntong hininga siya.
My father knows how scary I can be when I'm mad, or when I just feel like it. Ganoon ako dati. But things took a sudden turn after that one incident and I started to be quiet and aloof since then.
"I'm keeping my cool, Pa. Gusto ko ng matapos sa pag-aaral para tumigil ka na sa pagtatrabaho. Ako nalang ang bahala sa ating dalawa." Sabi ko.
Pinitik ni Papa ang noo ko. "Malakas pa ako sa kalabaw, hindi ba? Wag mo akong alalahanin. Magtrabaho ka para sa sarili mo. Mabuhay ka para sa sarili mo."
Ah putek. Sobrang babaw ng luha ko pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa magulang ko kaya naman tumayo ako at walang pasakalyeng pumasok sa kwarto upang doon humagulgol. Funny how people seem to be doing okay but the truth is they're having it rough, too. They're suffering, too.
Pinunasan ko ang mga luha at humiga sa kama. Tulog na, Denzel. Tomorrow is another day.
Namumugto ang mga mata ko pero sinikap kong pumasok pa rin, hoping na mabawi ko ang aking pagiging "invisible" at umasta na lamang sila na parang wala ako sa paligid.
Pero ang aga aga ay may gusto agad manira ng araw ko.
"Good morning, Denzel." He greeted. Hinintay niya na naman ako sa gate. Nilagpasan ko lang siya at nagmadaling naglakad sa direksyon ng aming building.
"Uy, teka. Umiyak ka ba?" Pangungulit niya. "Sinong nagpaiyak sayo?"
Hindi ko pa rin siya pinansin hanggang sa nakarating ako sa tapat ng classroom.
"I'm serious about kicking you where it hurts the most." I said in gritted teeth. "Lumayas ka."
"Woah!" My male classmates, who turned out to be watching, said in chorus. "Wala palang binatbat itong The Great Treble Saldana sa bagong classmate natin eh!"
I ignored them and went inside the room. Ilang segundo ang lumipas pero nasa labas pa rin si Treble, making me really uncomfortable.
Lumalakas ang bulung-bulungan ng mga kaklase ko habang naghihintay kami na dumating yung prof. Nakatayo pa rin kasi si Treble sa labas na animo'y isang guwardiya sibil o di kaya'y kriminal na babarilin kung sakaling kikilos man.
"Gusto ba niya yung kaklase natin? Hindi siguro noh? Baka friends lang? Ang taba kaya niyan. Paanong magugustuhan—"
Natigil sila sa pagdaldal nang tumayo ako. Dinampot ko ang bag ko at lumabas ng silid.
"Mag-usap nga tayo?" Sabi ko kay Treble at saka naglakad na. Noong narinig ko ang kaniyang mga hakbang, tanda na siya'y sumusunod sa akin ay lalo kong binilisan ang paglalakad. Grabe, balak ko pa man din sanang maghiganti. Pero nakaka-stress pala! Ayaw ko na! Suko na ako! I want my peaceful life back!
"We can talk here. Wala ng tao dito." Aniya noong malapit na kami sa gymnasium. Tumigil ako sa paglalakad at ganoon din siya. Hinarap ko siya at tinignan ng matalim.
"Ano bang kailangan mo sa akin? Didn't I make myself clear last night na ayaw kong sumusulpot ka sa harapan ko? Give me my quiet life back! Wag kang gago! Sinira mo na yung buhay ko noon tapos balak mo pang ulitin ngayon?!"
BINABASA MO ANG
My Extra Large Girl [Completed]
RomanceAn extra large girl with an extra large heart and the guy who loved her imperfections Genre: slice of life | romance