XL 20

6.2K 151 4
                                    

XL 20

If Rolan did not happen to pass by, baka inabot ako ng hating gabing nakatayo doon. I didn't know I had this embarrassing tendency to stop moving at all costs when I'm fazed.

"Akala ko pinuntahan ka ni Marie..." sabi ko noong nasa kalapit na eco-mall na kami para bumili ng sim.

"Nagpasalamat lang siya. Tapos umalis rin siya kaagad."

"Tss, bruhang 'yun talaga..."

"Buti nalang kamo naisip kong umuwi na, dahil kung hindi kita nadaanan...baka..."

"Oo, jusko. Nakakahiya."

"Narinig ko 'yung bulungan kanina ng mga estudyante. Yun ba yung narinig mo kaya ka natigilan? Apektado ka ba?" Aniya.

"Bakit naman ako maapektuhan?"

"Bakit hindi ka makagalaw kung hindi ka naapektuhan? First time mong marinig 'yung tungkol kay Serenity?"

"Hindi. Actually narinig ko na dati sa convenience store na palagi daw silang magkasama. Kapatid daw siya ni Sven."

"Oo. Palagi silang magkasama dahil tropa ng kapatid ni Serenity si Treble. Hindi mo lang sila nakita dati kasi nag OJT sa Manila si Serenity."

"Alam mo talaga lahat ito, ano?"

"Wala namang nakakalagpas na chismis tungkol sa mga 'yan. Sila yung lowkey F4 ng school na 'to kaya di maiiwasan yan." He replied.

F4? Pwe. Not even close.

"Smoothie tayo." Anyaya ko pagkatapos naming bumili ng sim.

"Hindi na, Denz. Thank you." Aniya. "Pauwi na talaga ako. Nag-alala lang ako sayo kasi nakatayo ka dun sa gitna..."

"Damn, nakakahiya talaga." I muttered.

"Wag kang mag-alala. Hindi naman sila pwedeng magkatuluyan. Merong 'bro code' silang magbabarkada at ang rule ay bawal patusin ang mga kapatid ng bawat isa. Saka open secret na rin dito na gusto ni Serenity si Treble pero tinataboy lang siya nito."

"Tinataboy nino sino?" I asked for clarification.

"Ayaw ni Treble kay Serenity. Kapatid na rin ang tingin niya dito dahil siyempre, kapatid 'yun ni Sven eh."

Oh talaga ba...

Para akong baliw na nabunutan ng tinik. Punyemas naman, Denzel. What is wrong with you?

"Mauna na 'ko ah. Ingat ka sa pag-uwi mamayang 8pm." Aniya. "Pero sabagay, may naghahatid naman pala sayo pauwi." He grinned. "Bye!"

Naghahatid pauwi? Tss! Hindi ko kailangan ng ganu'n.

Bumili ako ng inaasam kong smoothie tapos bumalik na ako ng school. Sa bahay nalang ako magpapalit ng sim.

Pagkatapos ng klase ay mabagal akong naglakad papunta ng gate. Parang siraulo lang, Denzel? Are you scared to find an empty space where he used to wait for you?

Dahan dahan...

I took baby steps...

Hanggang sa nakarating na ako sa gate, nakalagpas, at lahat.

Pero walang bakas ni Treble sa paligid.

I tried to remember the last time that I saw him. Kailan nga ba kasi? Kahapon? Kagabi? Hindi ko yata siya nakita sa campus kanina. What is he up to?

Most importantly, why am I looking for him? Dammit, Denzel! Kahit pa nangako siyang palagi kang ihahatid, nagpa-uto ka naman? Nag-expect ka naman?! Pokmaru level 999?!

My Extra Large Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon