XL 15
Nakipag-deal ako kay Treble kagabi. I don't know but it suddenly felt right. Pakiramdam ko ay tama lang naman na pagbayaran niya 'yung pinsalang dinulot niya sa akin...in any way possible.
I suddenly wanted to give him a hard time. I wanted to get even...and I'm very determined to make use of him until I'm satisfied. No double meanings there, rest assured.
Pagkatapos kong pumayag ay bumalik kami sa loob ng apartment. Handa na ang pagkain nu'n, at inaya na kami ni Papa na kumain na animo'y walang nangyari.
Umuwi din siya kaagad pagkatapos kumain at magpasalamat kay Papa, tapos naghugas naman ako ng pinggan bago pumasok sa silid para makapag-isip ng mga plano para pahirapan siya.
Sad to say, I wasn't able to formulate any plans.
"Denz, umiyak ka na naman ba?" Tanong ni Rolan on a Tuesday morning habang naglalakad kami palabas ng classroom pagkatapos ng first period. Tumila na ang ulan pero halatang babalik na naman ito mamaya. The downsides of the rainy season...
"Hindi ah. Napuyat lang ako," sagot ko. The truth was, tumawag si Jared kagabi kaya ako napuyat. We bickered a lot and irritated the hell out of each other. I wasn't supposed to answer his call pero sabi ko sa sarili ko na mainam na rin na i-confront ko siya bago ako magpalit ng number.
Malay ko bang mauuwi sa ganun...
"Napuyat saan?"
"Nagbasa kasi ako ng webtoon." Palusot ko. Some things are better kept to myself, I thought.
Pumunta kami sa cafeteria para kumain, but unlike last time, hindi masyadong crowded ngayon. Hindi ko rin mahagilap si Treble. Ewan ko ba kung dahil maulan kaya gloomy din ang paligid.
"May hinahanap ka?" Ani Rolan.
I shook my head. "Naninibago lang ako kasi parang ang tahimik."
"Usually, matao lang dito kapag nandito 'yung mga tinatawag nilang 'oppa' ng university."
"Taray, may oppa pala dito," kumento ko habang pumipila kami sa paborito naming food stall.
"Oo, at isa sa mga oppa na 'yun, tinawag ka at pinaupo sa tabi niya kahapon."
I gave him a puzzled look. "Si Treble? Oppa ba 'yun?"
"Wala tayong magagawa, may itsura naman talaga 'yung tao." Depensa ni Rolan.
"Oh well. If we'll be objective, siguro nga ay may itsura ang isang 'yon." Sagot ko.
"At mukhang may gusto siya sa'yo." Ani Rolan na siyang ikinakunot ng noo ko.
"Bakit hindi niyo gamitin 'yung discount card sa karaoke hub na binigay ko? Di ba kumakanta naman 'yun?" Sabi pa niya.
I bit my lip, and then shook my head.
"Not anymore," I said. "He doesn't sing anymore.""Hindi na? Bakit? Totoo ba 'yung sinasabi nila na hindi na siya kumakanta dahil sa nangyari two years ago?"
I'm curious...
Ano ba talaga ang usap-usapan tungkol sa nangyari two years ago? Bakit parang naging open secret na yata?
"Ha? Ano bang nangyari?" Tanong ko.
"Teka. Next in line na tayo." Aniya. I moved forward and gave my order. Nung nakuha ko na ang pagkain ay naghanap ako ng bakanteng pwesto para sa amin ni Rolan.
"Dali, game na!" Sabi ko nung umupo na rin siya sa tabi ko.
"Teka lang naman..."
"Open secret ba 'yan? Ba't parang maraming nakakaalam?"
BINABASA MO ANG
My Extra Large Girl [Completed]
RomantizmAn extra large girl with an extra large heart and the guy who loved her imperfections Genre: slice of life | romance